HINDI pa rin ako makapaniwala na naririto si Bryce sa harapan ko. Hindi man lang niya nabanggit sa akin na may balak siyang pumunta rito sa Pilipinas. “Dad needed help in our new business, so I volunteered. Here I am.” Niyakap niya akong muli ngunit hindi ko ito nagawang ibalik. Pinagtitinginan na kami ng ibang taong naririto. Naisip ko na hilahin na siya papaalis dito bago pa man may kung sinong magkalat ng balita tungkol sa aming dalawa. Sumakay kami sa elevator. “You look good. Bagay sa ‘yo ang maging CEO.” Halos tawanan ko ang komento niya dahil hindi niya alam kung anong sinasabi niya. “Mamamatay ako ng maaga dahil dito. Noon ay ayokong ipamana ni Dad ito sa akin, ngayon mas napagtanto ko na ayoko talaga.” Tumawa si Bryce sa tabi ko. “Kayang-kaya mo iyan. Ikaw pa ba?” Ginulo

