TITIG na titig ako sa kaibigan ko. Ang sinabi niya kanina ay hindi ko mapapalagpas. “Tinanong ka ni Luciel? Kailan? Saan? Bakit hindi ko alam?!” Sunod-sunod ang aking katanungan at habang tumatagal din ay tumataas ang boses ko. Not that I am still hang up with my ex. Ano lang…gusto ko lang malaman kasi hindi naman sinabi ni Fatima sa akin. “Dati pa. Siguro ano…ilang linggo matapos kayong umalis at pumunta ng Amerika. Nakita ko siya—unexpected, okay? Tapos tinanong niya ako kung kumusta ka na at kung nasaan ka raw.” Humugot nang malalim na paghinga ang aking kaibigan bago siya magsalitang muli. “Hindi ko nasagot iyong pangalawang tanong niya pero sinabi ko na okay ka lang. Hindi na rin naman siya nagtanong pa at tumango nang malamang maayos lang ang lagay mo.” Bumagsak ang balikat ko at

