DALI-DALI kaming pumunta sa lugar kung saan daw dinala si Mommy. Tinawagan na rin namin ang ibang kamag-anak and Azriel promised me to pick up Aviana. I almost forgot how to breathe. During the drive to the morgue, I forgot how to f*****g breathe. Hindi pa nagsi-sink in sa akin ang balita. Tulala lang ako at para bang nawala sa sarili. Maging si Dad ay ganoon. Deep down, I’m praying that it wasn’t my mother. Na baka napagkamalan lang na siya kahit hindi. She can’t die. Hindi puwedeng mawala si Mommy sa amin dahil…hindi kami handa sa ganito. Nakarating kami roon at agad kaming iginaya sa isang silid kung nasaan si Mommy. Naabutan na namin na naririto na ang mga kamag-anak namin. Kami na lang iyong hinihintay. I saw my aunties crying so hard. Na nanginig ako sa kinatatayuan ko, malakas

