NABALITAAN ko na lang isang araw na nahuli na si Chantria. Good thing, my Lolo Maurice isn’t here. Nang malaman nina Tito Zavian iyon ay gusto nilang puntahan si Chantria. “Para saan pa?” tanong ni Dad, ramdam ko ang galit sa boses niya. “I want to see and confirm something, Avion,” saad ni Tito Zavian at tumingin sa akin. Ayokong sumama sa kanila pero pinilit nila ako. Hindi ko ata kayang makita si Chantria na naghihirap ng ganito pero alam ko, sa ngayon ay wala akong magagawa dahil may kasunduan kaming dalawa ni Tito Zavian. Kasama namin si Tito Hati, Dad, si Yago, at Zeke. Wala sina Tito Gio at Allister dahil abala sila sa sitwasyon ni Serena na siyang girlfriend naman ng pinsan ko. Para akong iniiwan ng kaluluwa ko habang hinihintay namin sa isang silid ang pagdating ni Chantria.

