“DITO ka na kumain ng lunch, Luciel. Sandali at magpapahanda na ako.” Ngumiti si Mommy sa amin bago pumunta sa kusina upang kausapin siguro sina Manang. Nakatayo lamang sa gilid ng sofa na kinaroroonan namin si Betty at pinagmamasdan kami. Samantalang ako ay ganoon lang din, pinagmamasdan ko ang mag-ama ko. “I think he loves you already,” sabi ko sa kanya at ngumiti. Ibinalik ni Luciel sa akin ang ngiti ko at tumalon ang puso ko nang makita ko ulit ang genuine na kasiyahan sa mga mata niya. “Sir, pakakainin ko po muna si Riley.” Lumapit si Betty kay Luciel para kunin si Riley rito. Mukha mang ayaw mapahiwalay ni Luciel sa anak ay ibinigay niya pa rin ito kay Betty. Ngumiti si Betty sa amin at nagpaalam sandali upang mapakain na si Riley. Nakita ko pa na ayaw bitiwan ng anak namin ang

