“CHANTRIA, hi!” Pagkaalis ni Luciel sa condo ko ay tumawag si Mommy sa akin. Iritado pa rin ako dahil sa ginawa niyang panunukso sa akin pero hindi naman tinapos ang dapat gawin. Ang sakit sa puson! “Hi, Mommy,” bati ko sa aking ina. Wala namang masyadong sinabi si Mommy. Nangangamusta lamang ito at kinumusta ko rin si Riley. “Baka bumalik na ako sa bahay bukas.” Wala na rin namang sense kung itatago ko pa si Riley dahil alam na naman pala ni Luciel ang lahat una pa lamang. Hindi ko magawang mainis kay Luciel kahit na pakiramdam ko ay napaglaruan ako sa ginawa niya. Nagpanggap siya na walang alam kahit matagal niya na pala kaming sinusundan. I actually admire him for respecting my space. “Oh, that’s good! Paano si Luciel?” tanong ni Mommy. “Alam na naman niya. Bukas ko na lang sasa

