SINABI ko kay Chantria ang lahat ng dapat niyang malaman—except sa involvement ni Dulce Davis sa pagpatay sa aking ina. Hindi pa ako makapagdesisyon kung sasabihin ko na ba sa kanya o sa ibang araw na lang. By just looking at her reaction, para bang hindi niya pa maproseso ang lahat. Kung dadagdagan ko ito ng tungkol sa pagpatay kay Mommy ng babaeng tinuturing niyang ina, baka lalong gumulo ang isipan niya. Nakaupo na kaming dalawa sa sofa. Tumayo siya at pumunta sa kusina upang kumuha ng maiinom. Nagsalin siya ng tubig at nilagok iyon bago mabigat na humugot ng paghinga. Nanatili siyang nakatayo nang bumalik sa sala kung saan naroroon ako at nanatiling pinapanood ang bawat paggalaw niya. “Ibig sabihin si Atty. Flores ay abogadong pinadala ninyo para sa akin—” “Hindi kami ang mismong na

