NANG sabihin sa akin ni Azriel na nakuha na nila ang anak na ipinagkakatago-tago ni Dulce maging sa pamilya niya ay umuwi agad ako ng Pilipinas. Dumiretso ako sa silid kung nasaan si Dulce at kagaya ng pathetic state niya nang iwan ko siya, ganoon pa rin ito ngayon. Itinaas niya ang tingin sa akin at kahit mukhang hirap na hirap na sa lagay niya ay ngumisi siya sa akin. “Narinig ko na pinatay mo raw si Jordan at pinatay naman ng iyong ama si Kuya Josh?” Humalakhak siya. “Kung akala mo ay magluluksa ako sa pagkamatay ng dalawa, diyan ka nagkakamali—” “Yeah, sure.” Napatigil ko siya sa pagsasalita dahil sa sinabi ko. “Naikwento na rin sa akin ng pinsan mo kung anong ginawa ninyo. Why not fill some details na baka hindi niya naibigay sa akin? Ano pa bang mapapala mo kung itatago mo, hindi

