“YOU will f*****g rot in here,” sabi ko kay Viktor Singson nang ipadampot ko siya sa mga pulis at ngayon ay nasa kulungan na. Tumupad ako sa usapan namin ni Veronica dahil tinulungan din naman niya ako para malinlang ang ama at magpakita. “You will regret this, Benavidez! You even used my daughter against me. Kapag nakalabas ako rito—” “Try,” hamon ko. “If you try to escape prison, hindi ka pa man nakakahakbang papalabas ng kulungan mo, dadanak na ang dugo mo.” Naglakad ako papalapit sa kinaroroonan niya at pasalamat siya sa bakal na nagse-separate sa aming dalawa dahil hindi ko siya magagawang saktan. Nanlilisik ang aking mga mata at alam kong natakot siya roon dahil sa pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. “Trying to kill my woman is something I won’t forgive, Mr. Singsou. Pero dah

