“MAS maganda kung hindi ninyo muna i-a-announce ang tungkol sa engagement. There were rumors about you dating Veronica, hindi ba? Why not take that to your advantage. Mas kapani-paniwala kung kakalat munang dating kayo bago sabihing engaged kayo.” Sinabi ko sa mga pinsan ko ang plano ko at iyon ang pahayag ni Yago. “Baka makaabot kay Chantria—” “Just a little sacrifice for the better good, man. Para rin naman sa kanya itong ginagawa mo.” Nagkibit-balikat si Ali. Huminga ako nang malalim dahil naisip ko na maaari ngang maging advantage ko ang rumor tungkol sa amin ni Veronica. Pero sa tuwing iniisip ko na kapag nalaman ito ni Chantria at isipin niya na…may iba na ako, parang ayokong gawin. “By the way, si Azriel?” tanong ko nang mapansin na wala si Azi rito ngayon. Magpapatulong pa na

