PUMUNTA ako sa trial ni Chantria. Hindi man ako nagpakita sa kanya o sa ibang tao, pumunta ako para masaksihan ang paglaya niya. The next plan is to appeal. Kapag nakalaya si Chantria, magpapanggap kaming mag-a-appeal sa kaso para isipin ng lahat na si Chantria pa rin ang iniisip ng pamilya ko na may kasalanan sa pagkamatay ng aking ina kahit alam ko na kung sinong dapat kong pugutan ng ulo ngayon. Masaya ako nang maipanalo nina Chantria ang kaso pero hindi ko magawang ngumiti. Hindi ko magawang ipakita ang sayang nararamdaman ko dahil alam ko na sa oras na makalabas siya rito, ibang mundo na ang gagalawan niya. I’m grateful, though, that Chantria has a family that loves her. She deserves it. Nakita ako ni Atty. Flores. Tumango siya sa akin at tipid lang din akong tumango sa kanya. May

