Chapter 4 : Ang Makapangyarihang Emperador

2292 Words
Yin Dynasty 1200 Yan Yuhuang's Point of View Nagkakagulo ang buong emperyo dahil sa biglaang pagdilim ng paligid. Ang kaninang sikat ng araw ay nagmistulang napakadilim na gabi at napupuno ng itim na usok ang buong paligid, tila ba nagbabadya ng isang malagim na sakuna at nagbibigay ng negatibo at nakakatakot na enerhiya. Ang mga kawal ay nagsisitakbuhan at mga natataranta, nakatingin lang ako sa paligid at naguguluhan sa mga nangyayari. "Yan!" Sigaw sakin ni Zihan at tumatakbo papalapit sa aking kinaroroonan. "Anong nangyayari?" Nagtatakang tanong ko dito. "Nagkakagulo sa loob ng emperyo!" Sagot nito sakin habang hinihingal at pawis na pawis. "Bakit? Anong nangyari?" Tila wala sa sariling tanong ko dito muli. "Nawawala daw ang gintong libro!" Sabat naman ng isang boses sa aking likudan, si Xiao. Gintong libro? Hindi ba't iyon yung napanaginipan ko kanina na naging kulay itim at bigla na lamang nawala? Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa labis na pagkabigla, hindi pa man ako nakakasagot sa sinabi ni Xiao ay isang malakas na pagsabog ang narinig namin sa labas ng emperyo at kasunod niyon ay ang pag-apoy ng paligid. Habang ang mga yinlian naman ay nagsisitakbuhan papunta sa pinanggalingan ng pagsabog at pinigilang kumalat ang apoy gamit ang kanilang iba't ibang klase ng mga mahika at kapangyarihan. Bago pa kami makakilos nila Zihan at Xiao ay isang malakas na pagsabog na naman muli ang aming narinig na halos napakalapit lang sa aming mga kinatatayuan at naging sanhi na halos ikabingi naming tatlo. Dahil sa lakas ng pagsabog ay tumalsik kami nila Zihan at Xiao sa aming mga kinatatayuan, nabibingi at nahihilo sa mga nangyayari na pakiramdam ko ay umiikot ang buo kong paningin. Habang nakasalampak kaming tatlo sa lupa at puro mga sugat ay nakikita ko padin ang mga kawal na yinlian na nagsisitakbuhan at tila ba mga sasabak sa isang digmaan. "Yan!" Sigaw sakin ni Xiao. Pagtingin ko sa kanya ay nagpupumilit na itong makatayo habang tinutulungan si Zihan. Dahil mas malapit ako sa pagsabog kanina ay medyo mas napuruhan at nahirapan ako, pero gayunpaman ay pinilit kong makatayo. Matapos kong makabangon ay inalalayan ko kaagad sila Zihan at tumakbo papalayo pero hindi pa man kami nakakailang hakbang ay bigla kaming mga natigilan dahil ang mga itim na usok na nagliligalig ay biglang bumaba sa lupa at naging mga tao. Hindi ko alam pero kinabahan ako ng husto sa aking mga nakita at napako sa aking kinatatayuan. Ang mga itim na usok na naging tao ay nakasuot ng mga itim na roba at mistulang estatwa na nakatayo lamang at tila ba naghihintay ng mga susunod na mangyayari. Tuliro akong nakatingin sa mga taong nakaitim na roba hanggang sa biglang magsidatingan ang mga yinlian at biglang mga sinugod ang ito na walang anumang babala o kahit na isa mang salita. Ilang minuto lang ay nagpapalitan na ng mga kapangyarihan at nagsasaguapaan na ang mga yinlian at ang mga nakaitim na roba kaya agad kaming mga nagtago sa gilid nila Zihan at Xiao. Nakadungaw ako sa kinalalagyan naming tatlo at kitang kita ko na sobrang nakakalamang ang mga nakaitim na roba sa laban, masyado itong mga malalakas sa madaling salita. "Mga lapastangan!" Malakas na sigaw na ikinalingon ko sa pinanggagalingan nito, ang isa sa mga gabay ng emperador. Bigla itong sumugod sa mga nakaitim na roba at naglabas ng kanyang mahika o kapangyarihan, kasunod nito ay ang mga heneral ng emperyo na itinuturing din na isa sa mga may pinakamalalakas na kakayahan sa kabuuan ng emperyo. Dito na nagsimula ang magulo at madugong labanan kasabay ng pagbaba ng mga itim na usok na ang kaibahan ay mga nakaputing roba, na sa pakiwari ko ay mga may katungkulan din sa grupo ng mga sumusugod ngayon sa aming emperyo. Naulinigan ko nalang na nagsisitakbuhan na ang lahat ng mga nasa buong paligid at duon ko nalamang nalaman na wala na pala sa tabi ko sina Zihan at Xiao. Upang hindi madamay sa gulo na nangyayari ay minabuti kong maghanap ng isang tagong lugar at tsaka pinagmasdan ang mga nangyayari sa buong paligid. Pati ang loob ng emperyo na kanina lamang ay mapayapa at tahimik ay bigla nalamang napuno ng sigawan, pagsabog at ng mga itim na usok na pumapalibot dito. Sa pagmamasid ko sa buong paligid ay nararamdaman kong nakakalamang na ng husto ang mga nakaitim na roba o ang mga sumugod sa emperyo, masyadong mahihina ang mga kawal na yinlian kumpara sa mga nakaitim na roba at ang isang gabay ay halos nahihirapan na sa pagpigil sa kanila. "Bakit ka nagtatago?" Saad ng isang boses, napalingon ako sa pinanggalingan nito at halos manlaki ang mga mata ko dahil ito ay isa sa mga nakaputing-roba. "W-wala po akong kasalanan, w-wala po akong kapangyarihan para lumaban." Nauutal at natatakot kong sagot dito. "Sino ang nagsabi na kailangan mong lumaban?" Balik tanong muli nito sakin. Napamaang ako dahil bigla nitong inilahad ang kanyang palad sa akin, hindi ko alam kung bakit pero inabot ko ang kanyang kamay at lumabas sa aking pinagtataguan. Mataman lang akong nakamasid sa kaharap ko at pilit na pinapakiramdam kung may dapat ba akong ikabahala o ikatakot pero kahit na kaba ay wala man lang akong maramdaman. At isa-isa ding nagsilapitan ang mga naka-itim at mga naka-puting roba sa aming kinatatayuan. Habang ang iba naman ay abala sa pakikipaglaban sa mga kawal na yinlian, sa isang gabay at sa ibang mga heneral ng emperyo ng yin. Magsasalita na sana ako sa kanilang lahat nang bigla akong makaramdam ng paninikip ng aking dibdib, na tila ba kinakapos ako ng hangin o hininga. Kahit na alam kong mga kalaban ang mga nasa harapan ko ay napakapit na lamang ako sa braso nung taong nakaputing-roba na nakakita sa pinagtataguan ko kanina. Pakiramdam ko ay bumaon ang mga kuko ko sa balat nya dahil sa higpit ng pagkakahawak ko dahil sa labis na sakit na aking nararamdaman. Daig ko pa ang mga naglalaban-laban na hindi makikitaan nang katiting na pagkapagod man lang, at sa kalagitnaan ng kakapusan ko ng aking hininga ay marahas na bumukas ang malaking pintuan ng emperyo. At mula sa nakabukas ng malaking pintuan ay dahan-dahang lumabas ang isang tao na nakamaskara. Ang emperador na si Lawzian Yin, ang itinuturing na pinakamalakas at pinaka-makapangyarihan sa lahat. Tila ba tumigil ang oras sa paglalakad nito at ramdam na ramdam ang kanyang nakapakalakas na presensya na hindi mo pwedeng baliwalain. Ang kanyang kauotan ay itim na roba at nahahaluan ng kulay pula. Mahaba at sobrang nakaayos ang buhok na karaniwan sa aming mga taga-emperyo at sa mga nasasakupan nito. Kahit na may nararamdaman akong hindi maganda sa aking sarili ay hindi ko maiwasang matakot sa emperador. Sanay na akong makakita ng mga iba't-ibang mahika at kapangyarihan sa loob at labas emperyo ng Yin, katulad nalang ng sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko, sa mga pinakamatatalik kong mga kaibigan hanggang kina Zihan, Xiao, sa mga kawal na yinlian, sa mga heneral at sa mga gabay. Pero ang nararamdaman kong takot at kilabot sa presensya at kapangyarihan ng emperador na si Lawzian Yin ay walang katumbas, tila ba isa itong nilalang na pinagkalooban ng napakalakas na enerhiya na kayang magpatiklop sa pinakamatapang na nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw. Batid kong ang mga sumalakay sa emperyo ay napuno din ng tensyon dahil sa paglabas ni emperador Lawzian Yin, kahit na sila ay mga nakamaskara katulad ng sa emperador at ng mga gabay ay ramdam ko ang namumuong paghahanda nila sa anuman ang pwedeng maganap o mangyari. Pati ang mga kawal na yinlian na nakikipaglaban ay napatigil at napatingin sa kinaroroonan ng mahal na emperador, at sa isang iglap lang ay mabilis na lumabas sa kamay ng emperador ang isang gintong tungkod na may desenyo ng araw sa pinakaibabaw nito. Napapikit ako ng aking mga mata nang biglang ikumpas ng emperador ang kanyang gintong tungkod at isang napakalakas na hangin ang kumawala dito, kasabay nito ay ang kanyang mabilisang pagkilos at sa isang iglap lamang ay hawak na ng emperador ang isa sa mga nakaitim na roba sa leeg at tila balewala lamang itong inihagis. Pinagtulong-tulongan ng mga naka-itim na roba ang emperador pero sadya itong malakas para sa kanila. Habang ang mga kasama nila na nakaputing kasuotan ay hinintay ang pagsugod sa kanila ng mahal na emperador, pero natigilan ako na imbes na sila ang harapin nito ay sa akin ito humarap. "Ibigay mo ang gintong libro!" Dumadagundong na sigaw ng emperador sa akin. Napamaang nalang ako dahil sa kanyang sinabi, bakit sakin nya hinahanap ang libro? Sa pagkakatanda ko ay panaginip lamang ang mga nangyari sa akin sa silid-aklatan dahil nagising nalang ako na wala sa loob nung nakatagong silid. Naguguluhan padin ako at hindi malaman ang isasagot dahil alam ko sa sarili ko na wala naman talaga sa akin ang gintong libro, atsaka ano namang gagawin ko dun kung sakali? At sa isang iglap lamang ay bigla nalang nasa harapan ko na ang emperador at hinawakan ako ng mariin sa aking leeg. "M-mahal na e-emperador." Nauubo at pilit kong sambit dito. "Isa kang taksil sa emperyo!" Muli nitong sigaw sa akin. Bago pa ako makasagot ay nakaramdam nalang ako ng isang matulis na bagay na tumusok sa aking sikmura, ang isa sa mga gabay ng emperador ay bigla na lamang sumulpot at mariing itinusok sa akin ang kanyang matulis at matalim na punyal. Dahil sa labis na sakit ay nakaramdan din ako ng likido na tumagas sa aking labi, alam kong lasa iyon ng dugo. Inihagis ako ng emperador sa lupa at itinutok sa aking leeg ng gabay ang kanyang punyal dahilan para hindi ako makakilos sa labis na takot. "Isang maling galaw mo lang ay tatapusin ko ang iyong buhay." Saad ng gabay sa akin habang nakatutok padin ang kanyang punyal sa aking leeg. "Ilabas ang mga bihag!" Sigaw ng isa sa tatlong gabay ng emperador. At wala pang ilang saglit ay inilabas ng mga bihag ang aking pamilya at sina Sheng, Min at Peng na puro mga duguan at halatang pinahirapan ng husto. Nanlaki ang aking mata dahil sa labis na galit dahil pati ang matatanda kong mga magulang at mga musmos kong mga kapatid ay punong puno ng sugat, galos at mga dugo sa kanilang katawan. Isa-isang nagsipatakan ang aking mga luha dahil sa samu't-saring emosyon na aking naramdaman ng mga sandaling iyon. Galit, awa, pagkasuklam, poot at lungkot. "Wala silang kinalaman dito!" Sigaw ko sa gabay na nasa aking harapan at isang malakas na sampal ang naging tugon nito sa akin na halos magpamanhid sa buo kong pagmumukha. "Ilabas mo ang gintong libro!" Tugon muli ng gabay sa akin. "Wa-wala sa akin ang libro!" Galit at lumuluhang sagot ko dito. "Sinungaling!" Malakas na sambit ng isa sa mga gabay. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng paligid at nakita na nagpupumilit si Zihan na makaalpas sa mga kawal na yinlian papunta sa akin at napako ang aking mga mata kay Xiao, na biglang nag-iwas ng kanyang paningin at yumuko. Hindi pa man ako nakakasagot sa bintang sa akin ay isang malakas na sipa naman sa aking sikmura ang nagpaimpit sa akin dahil na din sa tinamaan ang aking sugat kung saan itinarak ng gabay ang kanyang punyal. "Kung hindi mo ibabalik ang gintong libro ay tatapusin nalang namin ang iyong buhay." Bagamat nakamaskara ang gabay ay alam kong nakangisi ito sa akin. "H'wag kang mag-alala dahil agad kadin namang susundan ng iyong mga mahal sa buhay." Dugtong pa muli nito sa akin at sabay na humalakhak. Muli akong napatingin sa kinaroroonan ng aking pamilya at ng aking mga matatalik na kaibigan, isang mapait at malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kanila. Kahit na gusto ko silang tulungan ay wala akong lakas, mahika o anumang kapangyarihan para lumaban. Muli kong ibinaling ang aking paningin sa emperador at sa isang gabay na may poot at galit. Kung ito man ang magiging katapusan ko, ipapangako ko na kahit pa sa kabilang buhay ay babalik ako at maghihiganti. Iniangat na ng gabay ang kanyang matalim na punyal at akmang itatarak sa akin at wala na akong nagawa kundi ang pumikit na lamang. Hinihintay ko ang aking katapusan pero lumipas na ang ilang saglit ay wala padin akong anumang nararamdaman. Kaya muli kong iminulat ang aking mga mata, at nagulantang dahil tila tumigil bigla ang oras na para bang ako lamang ang nakakagalaw at nakakakilos nung mga sandaling iyon, sa isang saglit pang muli ay bumalik sa normal ang lahat ay tuluyan naitarak sa akin ang matalim na punyal at bago pa ito dumiin ng husto sa aking dibdib ay tila ba may humigop na enerhiya sa akin at nawalan na ako ng ulirat. Taong 2020, Modernong Panahon "Kamusta ang lagay nya?" Saad ng isang tinig, pinilit kong idilat ang aking mga mata at nasa isa akong malambot na higaan. Pati ang mga taong nasa aking harapan ay mga kakaiba. Ang mga lalaki ay maiikli ang mga buhok at magagarang mga kasuotan, inilibot ko ang aking paningin at pinilit na gumalaw dahil pakiwari ko ay nasa ibang mundo o panahon ako. Isang may edad at isang lalaki na nakaputi at may kung anong bagay ang nakasabit sa kanyang leeg, at napako ang aking paningin sa isang lalaki na nasa may pintuan at nakasandal. Maputi, singkit ang mga mata, itim at maikli ang buhok. "Kamusta ang pakiramdam mo iho?" Tanong ng matanda na nasa harapan ko, may pagkakahawig ito sa lalaking nakasandal sa may gawing likuran. "Ayos naman po, s-sino po kayo at nasan po ako?" Sagot at balik tanong ko naman dito. "Mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo, ako si Alex Cristobal, ito naman ay si Dr. Hang. At yang nasa likod ko ay ang aking nag-iisang anak na si Axel." Paliwanag nito sakin na nagpakilalang si Alex Cristobal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD