Nakatitig lamang ako sa screen ng aking phone at akmang pipindutin na iyong green button ngunit bigla namang namatay ang tawag. Kapag nakita niya ang missed call na iyon kapag sober na siya, she might feel regretful for calling me while she’s drunk. Itinulog ko na lamang ang nangyari. But the truth is, napakababaw lamang ng tulog ko kakaisip kay Deniece. She looked sad when Sean took her out from the bar last night. Until my phone rang under my pillow. How I wish it was Deniece again, ngunit hindi pala. Si Troy ang tumatawag. Sinagot ko iyong tawag niya. “Grabe naman yung mga missed calls. Daig mo pa yung nag-aalalang girlfriend,” panimula ni Troy. “Bakit ka tumatawag ba kagabi?” “Nag-usap kami ni Charrie,” wika ko. “Okay? About what?” naguguluhang tanong ni Troy. Ikinwento ko an

