Deniece Ferreira "Sean, pwede mo bang bantayan muna si Scarlett? Niyaya kasi ako ni Charrie na mag-shopping," wika ko kay Sean nang puntahan ko siya sa living room habang naglalaro ng video game sa big screen TV. Hindi niya ako pinansin noong una. Tila hindi maganda ang mood niya ngayong araw. "Scarlett is sleeping. What time will you be home?" tanong ni Sean nang hindi tumitingin sa gawi ko. "Ime-message na lang kita," wika ko. "Uhm.. kung ano, idadaan ko na lang muna si Scarlett kay Priscilla. Kukunin ko na lang siya kapag pauwi na ako." "No. I'll take care of Scarlett. Besides, nandiyan naman ang babysitter niya," ani Sean at hindi pa rin nawawala sa kanyang nilalaro ang kanyang atensyon. Hindi ko alam kung ano ang mga narinig niya kagabi habang tulog ako. Pero alam kong hindi iyo

