Bakit ba kung kailan kailangan ko si Charrie ay doon naman siya umalis. Sana mabilis lang siya sa banyo at bumalik siya kaagad dito. “Why did you call?” pag-uulit ni Julian sa kanyang tanong. Mas lalo akong napaiwas ng tingin. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya tinawagan kagabi. Matapos ng panaginip ko, bigla akong nakaramdam ng pangungulila kay Julian. Hindi ko rin naman alam na magri-ring pa rin ang phone number niya. Ang akala ko kasi nagpalit na siya nv phone number. Isa pang dahilan ay matagal siyang sumagot. Baka ibang tao na yung nagmamay-ari ng phone number niya. Ngunit ngayon ay nakumpirma kong sa kanya pa rin ito. “N-napindot lang siguro h-habang tulog ako kagabi,” pagsisinungaling ko. Nilalaro ko ang aking mga daliri na nakapatong sa aking mga hita. Hindi ko siya kayang tin

