Hindi muna sinagot ni Julian ang tanong ko tungkol sa pag-alis niya four years ago. Hindi muna niya ako hinatid sa bahay ni Sean. Bagkus, dinala niya ako sa café at mukhang na-move ang aming meet up na dapat ay mamaya pa. Ni-serve muna ng waitress iyong mga kape namin bago magsimulang magsalita si Julian. “I care about my cousin. Lumaki ako na palaging nagsasakripisyo para sa iba, lalung-lalo na sa mga mahal ko sa buhay.” Nakikinig lamang ako kay Julian habang siya ay nakatitig sa kanyang kape sa kanyang harapan na para bang naroon ang mga salitang nais niyang sabihin sa akin. “I couldn’t bear to see him die because of my selfishness. It was you, Deniece. Ikaw ang nagpabago sa kanya. You gave him a chance to live. It was all because of you he’s alive. I knew he fought really hard to be

