“Mas lalo kang gumanda, Deniece. Parang bumata ka pa,” wika ni mamita nang makipagkita ako sa kanya. Nasa loob kami ng kanyang office sa Prep room. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair habang ako naman ay nakatayo sa kanyang harapan. Siya pa rin pala ang namamahala rito kahit lumipas na ang apat na taon. “Mamita, hindi na po ako magpapaliguy-ligoy pa. G-gusto ko po sanang bumalik ulit sa trabaho.” Tinitigan lamang ako ni mamita habang mayroong simpleng ngiti sa kayang mapupulang labi. Naamoy ko ang usok na lumalabas sa kanyang hawak na sigarilyo na nauupos na. “Hindi ka na dapat bumalik sa ganitong klase ng trabaho, Deniece. Sa pagkakaalam ko, maayos na ang buhay mo.” Nalaman niya siguro kina Jenna at Loisa. “Mamita, gusto ko pong magtrabaho ulit. Para sa anak ko,” wika ko. Nawala ang

