Tila natauhan si Sean sa paglapit ni Scarlett kay Julian. Kinuha niya si Scarlett palayo kay Julian at saka niya ito binuhat ulit. “Scarlett, no,” pabulong na saway ni Sean sa anak ko nang mabuhat na niya ito. Nang tingnan niya si Julian ay tumawa siya na may halong kaba. “Ah! Scarlett is really friendly towards everyone. Naka-close na nga niya kaagad iyong mga pinsan niya.” Hindi ko mawari kung bakit ganito umakto si Sean ngayon. Dapat ay matuwa na lang ako dahil binibigyan na niya ng tamang atensyon si Scarlett. “Teka, pumasok nga muna kayo nang makilala na rin ng family si Charrie. So much surprises tayo today, ah!” ani Priscilla. “Alright. Let’s get going,” ani Julian. Kumapit si Charrie sa braso ni Julian at saka kami tumabi ni Sean para makadaan sila. Sumisikip ang dibdib ko sa

