Pagkatapos namin sa party ay dumiretso kami sa isang mamahaling bar. Kanya-kanya kami ng sasakyan at halos ang atensyon ko ay na kay Julian at Charrie. They look so good together at tila ba wala silang problema sa kanilang relasyon. Palaging nakakapit si Charrie kay Julian kapag naglalakad at palagi siyang may sinasabi o kinikwento kay Julian na para bang may sarili silang mundo. Hanggang sa pagbuksan ni Julian ng pinto sasakyan si Charrie. Pumasok si Charrie doon at sumunod naman si Julian sa kabila. “Babe, aren’t you gettin in the car?” tanong ni Sean sa akin na nagpabalik sa akin sa realidad. “You seem preoccupied. What’s the matter?” “Ah, wala,” sagot ko. Pumasok na lamang ako sa kotse. Tahimik na nagmamaneho si Sean habang ako naman ay tahimik rin na pinapanood ang pagdaan ng mga

