Dahil sa sinabi ni Julian ay napainom ako bigla ng alak. Ininom ko bigla yung isang shot ng vodka na ikinagulat ng lahat. "Oh, Den, hinay-hinay lang. Nagsisimula pa lang tayo," ani Troy. Tumingin ako kay Julian pagkatapos kong ipatong sa mesa iyong shot glass. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa mga alak sa mesa. "Ang magandang itanong ngayon ay kung kumusta ang buhay ng pinsan ko sa loob ng apat na taon, hind ba? Kwentuhan mo kami," ani Sean. Nakaramdam ako ng pag-aalala dahil hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya. Kung hindi pa siniko ng marahan ni Charrie si Julian ay hindi siya magigising sa realidad. "Uh, it's fun," sagot ni Julian. "I went to Hawaii. I stayed there for four years." "How's Hawaii? Marami ka bang nakilala doon before you met Charrie? This is new to

