Noah Abram Delavega
"You brought her just in time," Doctor Cabrera said.
I was talking with him outside Miyona’s room at VM Health Center, after he had completed her full physical examination and tests.
"The fall was quite serious, but fortunately, there's no internal bleeding," he added.
Napatango ako at nakahinga agad ng maluwag.
"She'll feel body pain in the next 24 hours," patuloy niya. "Normal iyon dahil sa impact ng pagkakahulog niya. I strongly advise na huwag muna siyang maglakad nang mag-isa. Take good care of her. She shouldn't be left alone."
“Thank you, Doc,” I replied, nodding slightly.
"I'm prescribing Paracetamol for pain. If the swelling increases, she may also take Ibuprofen after meals. Make sure she rests well and monitor her for dizziness or vomiting."
“Alright, Doc. I’ll keep that in mind.”
Nagpaalam na rin siya bago umalis.
I opened the door to Miyona’s room again.
Napatitig ako sa kanya nang makita kong nakasara na ang mga mata niya at hindi kumikilos ang katawan. Mukhang nakatulog na siya.
I carefully stepped inside and sat on a chair beside her.
Muli ko siyang pinagmasdan. Namumula na ng husto ang mga galos at sugat niya sa braso, binti at noo.
Hindi ko lang akalain na ganito pala ang sinasapit niya sa poder ng mga taong 'yon... She was brave, far braver than most. From the age of six, left alone by her father, she had learned to survive.
Nalaman ko mula kay Laura Andico ang ilang impormasyon na 'yan noong interview-hin siya ni Kiara bago niya ito binayaran ng 20 million. Sinabi niyang matigas ang ulo ni Miyona noong bata pa lang ito, kaya minsan ay 'di niya mapigilang saktan.
Hanggang sa paglaki ay dinala raw ni Miyona ang ugali na 'yon dahil wala nang amang gumagabay. Marami pa siyang mga sinabi tungkol kay Miyona na mukhang magkahalo ang totoo at kasinungalingan.
Matagal ko na rin namang nakikita sa pamilya ng mga pinsan ko si Miyona. Ilang taon na rin.
Tahimik siyang babae, mahiyain at palagi lang nakangiti. Hindi siya tatagal sa pamilyang 'yon kung may ugali siyang hindi maganda. Nakikita ko ring close sa kanya si Tita Beauty—ina ni Devin Jr.
Pero alam kong mahirap makuha ang tiwala ni Tita Beauty, lalo't dati rin siyang undercover agent. Likas na sa amin ang kilalanin muna at pag-aralan ang isang tao bago pagkatiwalaan.
I let out a deep sigh.
I shouldn’t be feeling this worried for her. Yet I couldn’t understand myself, lalo na nang maaktuhan ko ang pagkahulog niya kanina sa mataas na hagdan.
I also felt intense anger toward her sister. If I hadn’t controlled myself earlier, I might have killed her!
I clenched my fists.
Napahinto naman ako nang kumilos si Miyona at pumaling ang mukha paharap sa akin.
“N-Noah…” she whispered weakly.
“It’s okay. Just rest,” I said immediately. Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil.
"A-Ano'ng sabi ng doctor?" she asked again, her weakness evident.
“Let’s thank God it wasn’t too serious. But you still need to rest and recover fully... Hindi ka muna magtatrabaho.”
"P-Pwede na siguro akong magpahinga sa atin... p-para 'di na kita maabala. Naroroon naman si Yaya."
"Itatanong ko sa doctor, pero hindi ka naman abala sa akin, Miyona. You’re my fiancée, and it’s only right that I take care of you.”
"N-Nahihiya ako sa'yo—"
“Ssh,” I cut her off immediately. “You shouldn’t feel that way with me.” Tumayo ako at lumipat nang pagkakaupo sa tabi niya.
Marahan kong hinaplos ang pisngi niya.
“I’m here for you, and I’ll stay by your side as long as you need me.”
Hindi siya sumagot, pero ngumiti siya ng bahagya at kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha.
Napangiti na rin ako. Why did she look even more beautiful when she blushed? Ang cute-cute niyang pagmasdan.
Pero agad kong ipinilig ang ulo ko at umiwas ng tingin sa kanya. "Magpahinga ka na ulit. I’ll talk to the doctor, baka sakaling payagan ka na niyang lumabas today."
"M-Maraming salamat, Noah," sagot naman niya. "Kung hindi ka dumating kanina, baka kung ano na ang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung ano pang pwedeng gawin sa akin ng kapatid ko."
Muli kong pinisil ang kamay niya. “Learn to fight back, Miyona, kapag alam mong hindi na tama ang mga ginagawa nila sa'yo... Inaabuso ka nila dahil nakikita nilang mahina ka at lumaki kang sunod-sunuran sa kanila... But you’re not under their control anymore. You’re with me now, at may kakayanan ka nang gawin ang lahat. I’ll help you with everything you need. Okay?”
Hindi kaagad siya sumagot. I could read the questions and confusion in her eyes again, just like the first time we faced each other.
After a moment, she nodded gently.
Yumuko ako sa kanya at marahan siyang hinagkan sa noo. Pero agad din akong napahinto nang ma-realize ko ang ginawa ko.
I stayed there for a moment, looking at her. Her eyes didn’t move, and she seemed just as surprised as I was. Nakatitig lang siya sa chin ko.
For some reason, my heart started racing, and a strange fluttering—like butterflies—spun in my stomach.
Ilang beses akong napalunok, lalo't sobrang lapit ng mukha niya sa akin at nalalanghap ko na ang bango niya.
Pero agad ko ring ginising ang sarili ko at lumayo agad sa kanya. Muli ko rin siyang nginitian.
Hindi ko dapat kalimutan na anak siya ng taong sumira sa aking ina.
“Alright then.” I stood up, hands in my pockets. "Lalabas na muna ako. I'm going to find the doctor.”
Pansin kong lalo pang namula ang kanyang mukha. Damn it. There it was again—I felt like I was completely under the spell of her beauty.
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Agad na rin akong tumalikod at lumabas ng silid niya.
Pagkasara ko sa pinto ay ilang ulit akong huminga ng malalim. Damn it! Unang araw pa lang naming nagkakasama, pero nagkakaganito na agad ako.
This can’t be happening… It just can’t…
Miyona Saimori
Hindi pa rin ako makagalaw sa kinahihigaan ko.
Parang nararamdaman ko pa rin ang init at lambot ng mga labi niya sa noo ko hanggang ngayon. At 'di ko mapigilang kiligin.
'Di ko inaasahang hahalikan niya ako.
Maaga yata akong gagaling kapag palagi niya 'yong gagawin sa akin.
*****
THIRD PERSON POV
"Mamaaa!!" umiiyak na sigaw ni Lynette sa kanyang ina, na kararating lamang sa kanilang bahay.
"Ano bang inginangawa-ngawa mo?! Naririndi ako sa bunganga mo, Lynette!" sigaw rin ni Laura habang patungo sa kusina.
"Nagpunta dito kanina si Miyona at sinundo siya ng fiancé niya! Mama, hindi siya matandang lalaki at pangit! Sobrang guwapo niya at bata pa siya!"
Napahintong bigla sa paglalakad si Laura at muling nilingon ang anak sa sala. "Ano'ng pinagsasasabi mo?" Mababasa ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Mama, niloko ka lang ng taong kumausap sa'yo!" sagot naman ni Lynette. "Bata pa talaga siya at sobrang guwapo—matangkad, maganda ang tindig at mukhang maganda rin ang katawan. Malakas pa siya at binuhat pa nga niya kanina si Miyona na parang prinsesa!"
Huminga ng malalim si Laura. "Pero wala namang sinabi ang assistant niya tungkol sa hitsura ng boss niya. Nag-expect lang ako na ganun dahil inakala kong katulad din siya ng mga matatandang Amerikano na nakausap ko sa restaurant na 'yon, na dapat ay sila ang bibili sa babaeng 'yon."
"Mama, naman, eh!" Nagpapadyak sa sahig si Lynette at makikita ang labis na frustration sa anyo.
"Ano bang pinoproblema mo?!" muling sigaw ni Laura. "Eh, ano naman ngayon kung bata pa siya?!"
"Ako na lang sana ang ibinenta mo sa kanya, Mama!" Pumalahaw muli ng napakalakas na iyak si Lynette.
Napanganga naman ng husto si Laura habang nakatitig sa anak. "Nahihibang ka na ba?!"
"Mama, sobrang yaman niya! Nababalutan na ngayon si Miyona ng mga mamahaling damit, sapatos, at bag. At 20 million ang halaga ng kotse na gamit niya kanina, kasing halaga lang nang ibinigay nila sa atin. Ibig sabihin, hindi lang 'yon ang yaman ng fiancé niya. Maaaring may bilyon-bilyon siyang pera sa bangko at maraming assets! Magiging mayaman tayo ng sobra kapag ako ang ipinakasal mo sa kanya!"
Natigilan naman at hindi nakasagot si Laura. "P-Pero nakuha na niya si Miyona."
"Pwede pa natin siyang kausapin. Unang araw pa lang naman nilang nagkakasama. Siguradong magbabago pa ang isip niya. Kung gusto niya lang din naman ay magkaroon ng tagapagmana, bibigyan ko siya agad ng maraming anak. Ganun ang mga mayayaman, 'di ba? Mga heir lang naman ang kadalasang gusto nila."
Muling bumuntong-hininga ng malalim si Laura at tila napaisip rin. "May point ka. Ni hindi ko nga naitanong sa assistant niya kung bakit binili nila sa ganoon kalaking halaga si Miyona. Hindi na ako nag-usisa pa dahil baka magbagong bigla ang isip nila."
Napangiti naman agad si Lynette. "P-Pero, Mama... N-Nagalaw mo na ba 'yong 20 million natin? Nag-withdraw ka na ba sa bangko? May pera ka na ba dyang dala?"
"Idineposito ko pa lang muna sa bangko ang pera. Bakit? Gusto mo na bang mag-shopping? Pwede naman."
"H-Hindi 'yon, Mama. M-May problema kasi?"
"Ano'ng problema?" Muling nangunot ang noo ni Laura habang nakatitig sa anak.
Tila hindi naman malaman ni Lynette ang sasabihin sa ina. "Kanina kasi... aksidenteng nadulas sa hagdan si Miyona. At buong akala ng fiancé niya, itinulak ko siya! Nagalit ang fiancé niya sa akin at gusto niyang bawiin ang 20 million."
"Ano?!" Lumarawan bigla ang matinding gulat sa mukha ni Laura. "Hindi makatarungan 'yon!"
"A-At kung hindi raw natin maibabalik sa kanya ang pera bukas na bukas mismo, aalis daw tayo sa bahay na 'to," dagdag pa ni Lynette, na lalo pang nagpatulala sa kanyang ina.
Napabalik bigla sa sala si Laura at nagpalakad-lakad na tila hindi malaman ang gagawin. "Hindi maaari ito. Kailangan natin siyang makausap ngayon mismo."
"Tama, Mama," sang-ayon naman ni Lynette. "Iaalok ko ang sarili ko sa kanya. Ako dapat ang pakasalan niya at hindi ang Miyona na 'yon!"