Nathan's POV Nagdrive lang ako pauwi ng bahay para lang sana magpalit but to my surprise, I saw my wife's car. Kaya dali dali akong bumaba ng kotse at pumasok ng bahay. nakaamoy agad ako ng mabangong amoy at nakakagutom. Nagmadali akong pumunta ng kitchen at nakita ko ung dalawang taong hahanapin ko dapat na masayang naglalagay ng cheese sa pan. "Daddy!" sigaw ni Nash ng lingonin nya ko. nginitian ko lang sya habang lumalapit sa Mommy nya na nakatingin lang sakin. Galit pa din ba sya? "Hi Baby. Iniwan mo si Daddy," sabi ko at yumakap sa Mommy nya. Hindi naman sya tumutol pero may nararamdaman ako. "Sorry Dad. Mommy is hungry na daw po eh. umuwi na po kami. Tapos nagluto po si Mommy ng.... What do you call this Mommy?" tanong nya sa Mommy nya. "It's Lagsana, Baby," nakangiting sabi nam

