Tahimik akong maglalakad papunta ng office ni Daddy dito sa school dahil tapos na ang class ko. Magpapaalam lang ako sa kanya na pupunta ako sa YahVi Corp. "Alliyah!" tawag sakin ng kung sino kaya naman nilingon ko yun. "Why?" tanong ko dun sa lalaking tumawag sakin. "Wow! Wala man lang bang 'Hi babe' dyan?" tanong nya. Napairap naman ako sa ere at pinapatuloy ang paglalakad. Tsk! Nakakabwisit. "Hey! Wait lang. Papunta ka ba sa office ni Dean? Wala sya dyan. I saw him together with the prof dun sa conference room," sabi nya kaya napahinto ako. "Totoo?" tanong ko ulit pero hindi sya nililingon. "Yep," sabi nya at naramdaman ko na lang na nasa tabi ko sya. "Okay," sabi ko lang at kinuha ung phone ko. Papasundo na lang ako. I dial my brother's number and in just 3 rings sinagot na nya.

