CHAPTER FORTY

2371 Words
Third person’s point of view   Alas nuwebe na ng gabi. Tahimik na nakatambay sa malawak na golf course si Steve. Tila malalim ang kanyang iniisip habang hinihithit ang isang sigarilyo. Walang buwan ngayon kaya naman medyo madilim ang paligid. Wala ding katao-tao sa paligid kaya naman payapang napapag-isa si Steve.   Malamig ang simoy ng hangin. Mga ilang linggo nalang ay sasapit na ang pasko. Hindi naman siya gaanong nagse-celebrate nito dahil sa rabaho niya. Isa pa ay nasa ibang bansa ang pamilya niya. Hindi rin siya basta-basta makakauwi dahil may kailangan pa siyang tapusing trabaho.   “Kanina pa kita hinahanap.” Natigilan sa pag-iisip si Steve ng marinig ang boses na iyon. Hindi siya lumingon ngunit kilala niya ang bagong dating.   “Anong kailangan mo?” Tanong niya rito. Magkapantay na sila ngayon ngunit hindi sila nakatingin sa isa’t isa. Malayo ang kanilang mga tanaw pero nagpapakiramdaman lang sila.   “Salamat sa pagbalik kay Jasmin.” Sambit ni Syncro kay Steve. Hindi sumagot si Steve. Inaantay nya lang ang mga susunod na sasabihin nito. Naguguluhan parin siya sa mga nangyayare ngunit hindi niya ito pinapahalata kay Syncro, lalong lalo na kay Zerrie.   “Kelan pa?” Bulalas ni Steve. Sa pagkakataong ito ay lumingon si Syncro kay Steve. Hindi siya tiningnan ni Steve. Nang maubos na niya ang sigarilyong hinihithit ay ibinagsak niya ito sa lupa at tinapakan.   “Anong ibig mong sabihin?” Muling nanahimik si Steve. Kumuha muli siya ng isang pirasong sigarilyo at sinindihan ito.Pagkahithit niya ng isa ay humarap siya kay Syncro.   “Hindi mo ako maloloko. Kelan pa? Bakit ngayon lang?” May diin sa bawa bigkas ni Steve. Nagkatitigan sila. Huminga ng malalim si Syncro at tinanggal ang itim nitong salamin. Kahit madilim ay kitang kita ni Steve ang mga mata nito. Ang mga mata nito na halos isang dekada niyang hindi nakita.   “As expected to you, hindi nga ako nagkamali.” Wika ni Syncro at kasabay nito ang pagbaba niya ng salakot niya. Mas lalong nakita ni Steve ang itsura nito. Gulat na gulat si Steve dahil hindi siya makapaniwala na makikita niya ang taong isang dekada ng patay.   “How? Paanong---”   “Steve, I have a favor for you.” Putol ni Syncro sa sasabihin ni Steve. Natigilan siya at hindi na nagsalita. He is still in a state of shock. There’s a lot of questions that pops up in his head. He still can’t believe that a man who was dead was in front of him.   “Huwag mo munang sabihin kay Zerrie ito.” Sambit ni Syncro. Nakatulala lang siya dito at hindi alam ang sasabihin. Hindi niya mapigilang mag-isip ng kung anu-ano. Nung una silang nagkita kanina ay malakas na ang kutob niya sa taong ito. Inaasahan na niyang ang taong tinatawag nilang Syncro ay ang matagal ng patay na ama ni Zerrie. Pero ngayong kausap na nga niya ito, hindi nya parin mapigilang mabigla at matahimik.   Tumango siya sa tiyuhin. Hindi nya rin naman alam kung paano sasabihin kay Zerrie ito. Nuong una ay akala niya na alam na ni Zerrie ang katotohanan ngunit base sa galaw ni Zerrie, napag-alaman niyang hindi pa. Hindi siya makapaniwala na siya ang unang makaka-alam nito. Dahil sa sinabing ito ni Syncro, totoo ngang hindi pa talaga alam ni Zerrie ang totoo.   “Pero paano?” muling tanong ni Steve. Huminga ng malalim si Syncro at muling tumingin sa malayo. Tila inaalala ang huling sandali ng buhay niya na nagpabago sa kwento nila ni Zerrie.   “Ano bang nangyayare, Leondres?” Sambit ng kanyang asawa na si Belinda. Hindi sumasagot si Leondres at tila aligaga sa kakatingin sa bintana. Hindi na rin mapakali si Belinda sa kaka-impake ng mga damit nila. Nasa kama ngayon ang batang si Zerrie na natutuloy yakap-yakap ang isang teddy bear.   “Bilisan mo na diyan. Kailangan na natin umalis.” Wika niya sa asawa. Humarap sa kanya si Belinda na may luha sa mata. Hindi nito maintindihan kung mabakit naiinis siya sa mga oras na ito.   “Ano bang nangyayare? Ipaliwanag mo sakin. Hindi kita maintindihan.” Lumingon sa kanya si Leondres at hinawakan siya sa magkabilang balikat. Hindi na ngayon magkada-ugaga ang mga luha nito sa pag-agos.   “Tandaan mo, mahal na mahal ko kayo ni Zerrie. I’m sorry. This is all my fault. I’m really sorry.” Tuluyan ng bumagsak ang luha ni Belinda dahil sa mga salitang iyon ni Leondres. Humiwalay siya sa asawa. Hindi parin maawat ang luha ni Belinda. Hindi niya akalain na hahantong sa ganito ang pinangarap nilang buhay. Ang buhay na magkaroon ng payapa at katahimikan. Lumingon siya sa batang natutulog sa kama at nilapitan ito. Idinampi niya ang kanyang palad sa malambot na pisngi ng anak. May luha sa mata niya na ginising ang bata.   “Zerrie anak, wake up…” Sambit niya sa bata. Nakapikit lang ito at mukhang himbing na himbing sa pagtulog. Akala mo ay walang problemang kinakaharap ang pamilya.   “Zerrie, we have to leave. Wake up honey.” Sambit ni Belinda at hinawakan ang magkabilang pisngi ng bata. Unti-unting dumilat ang batang Zerrie at ngumiti sa ina. Hindi nito napansin ang mga luha ni Belinda na umaagos na ngayon sa kanyang pisngi. Tila wala pa ang diwa nito kaya naman sinamantala na ni Belinda ito upang hikayatin ang bata na bumangon at umalis.   “Don’t worry. Pupunta tayo sa isang malayong lugar. Sa isang peaceful place.” Hindi na sumagot ang batang si Zerrie. Masunurin ito kaya naman natutuwa siya dahil napalaki niya ng maayos ang anak. Labing dalawang taong gulang na ito ngunit tinatrato nya parin itong bata.   Nakahanda na ang mga gamit nila sa kotse. Nasa loob na rin si Leondres na tahimik na nakaupo sa driver’s seat. Pagpasok ng mag-ina sa loob ay agad na niyang pina-andar ang sasakyan.   Nuong una ay maayos ang naging takbo ng byahe ngunit maya-maya lang ay napansin na niya ang pangilan-ngilang sasakyan na sumusunod sa kanila. Mas lalong binilisan ni Leondres ang pagmamaneho.   “Ano bang nangyayare kase? Sino ba ang mga iyon? Anong kailangan nila sa atin?” Sambit ng asawa habang yakap-yakap ang anak nilang si Zerrie.   “Sa organisasyon sila.” Maikli niyang tugon. Panay ang tingin niya sa side mirror habang nagmamaneho.   “What?” Hindi makapaniwalang tanong ni Belinda. Hindi na siya sumagot. “Bakit? Ano bang nangyayare? Bakit hinahabol nila tayo?” tanong muli ng asawa. Hindi na siya sinagot pa ni Leondres. Alam naman na din ni Belinda kung bakit. May pagkakataon talaga na kahit alam na natin ang sagot ay tinatanong parin natin kung ano, bakit, paano ito nangyare.   Nilingon ni Belinda ang anak na nasa tabi niya. Tahimik lang itong nakatingin sa harapan at hindi umiimik. Hindi nanaman niya maiwasang mapaiyak dahil sa walang kamalay-malay nilang anak na nasa ganitong sitwasyon.   Maya-maya ay napayuko sila ng makariig ng putok ng baril. Lumingon sila sa likuran. Napagtanto nila na pinauulanan na sila ng bala. Mas lalong pinatulin ni Leondres ang kotse upang hindi sila maabutan. Panay din ang iwas niya sa mga ito. Mas lalong naging malikot ang kotse kaya hindi maiwasan ni Belinda ang kabahan.   “Kumapit kayong mabuti.” Sambit ni Leondres. Niyakap ng mahigpit ni Belinda si Zerrie na ngayon ay kalmado at walang imik. Mukhang hindi pa nagsi-sink in sa utak niya ang nangyayare.   Mas lalong bumilis ang takbo ng sasakyan. Palipat-lipat sila ng linya dahil sa sunod-sunod na putok ng bala ng baril na dumadaplis sa kanila. Hindi na rin magkanda mayaw si Belinda kung ano ang dapat isipin sa mga oras na iyon. Mahigpit ang kanyang mga yakap kay Zerrie at ayaw niyang bitawan ito kahit sa maikling segundo manlang.   Maya-maya ay nakarinig sila ng isang malakas na tunog. Kasabay non ang biglang paggalaw ng kotse. Hindi na ito makontrol ni Leondres. Nang lingunin ni Belinda ang kanilang likuran ay napagtanto niya na sumabog pala ang isang gulong nito. Muli siyang tumingin sa harapan at nakita niya sa rear mirror ang asawa na nakatingin sa kanya. Bumagsak ang kanyang mga luha. Wala na siyang nagawa. Niyakap nito ng mahigpit ang anak. Kasabay non ang isang aksidente na nagpahinto ng kanilang mga mundo.   Ilang minuto na ang lumipas at nagising si Leondres. Medyo madilim ang paligid. Napansin niyang nakabaligtad ang sinasakyan nilang kotse na sumalpok sa isang puno. Nang maalala ang mga nangyare ay lumingon siya sa backseat at tiningnan ang mag-ina. Yakap-yakap ng asawa niya si Zerrie na wala ring malay.   Pinilit niyang makaalis sa pagkaka-ipit upang gisingin ang asawa. Mabuti nalang at nagising ito ngunit napansin niyang nanghihina ito. Nakawala siya sa pagkakaipit kaya naman lumapit siya sa mag-ina niya.   “Iligtas mo na si Zerrie.” Sambit ni Belinda sa kanya. Mabuti at walang matinding sugat ang natamo ng bata at galos lamang. Matapos nitong ilagay sa labas ng kotse ang bata ay lumapit siya sa kanyang asawa.   “Let’s go.” Sambit niya ngunit hindi gumalaw si Belinda. Natigilan siya at tumingin sa asawa. Malungkot na tumitig pabalik sa kanya si Belinda at itinuro ang kanyang tagiliran. Nanlumo si Leondres ng makitang may nakatusok na bakal duon. Nakaramdam siya ng panghihina dahil sa sinapit ng asawa.   “Make sure Zerrie is safe. Give her the life that I want to.” Sambit ni Belinda. Ramdam na ni Leondres na nawawalan na ng hininga ang asawa. Duon na bumagsak ang mga luha niya. Hindi niya mapigilang humagulgol habang unti-unting nawawalan ng hininga ang asawa.   “Take care Leondres. I-I love you.” Wika nito at saka ipinikit ang mga mata. Ilang segundong natahimik sa buong lugar. Tahimik na umiiyak si Leondres at nangninilay sa mga nangyare. Hindi niya maiwasang isipin na ang lahat ng ito ay kasalanan niya.   Matapos ng ilang minuto at tumayo siya at lumapit sa anak na nakahiga sa kalsada. Wala pa itong malay ngunit siguradong magiging ayos lang ito. Lumapit siya sa batang si Zerrie at hinalikan ito sa noo. Ayaw niyang may mawala pa sa kanya. Pero kung mananatili sa tabi niya ang batang ito, hindi ito magkakaroon ng tahimik na buhay na gaya ng gusto ng asawa. Naglakad siya palayo dala-dala ang mabigat na nararamdaman. Hindi niya isinama ang anak upang maging maayos ito at malayo sa mundong ginagalawan niya.   “Ayokong malaman muna ni Zerrie ito.” Sagot ni Syncro kay Steve. Hindi na siya sumagot pa. Mukha namang may plano ang kanyang tiyuhin kaya hindi na niya gagambalain pa ito ngunit mahihirapan siya dahil mag-lilihim nanaman siya kay Zerrie.   “Makakaasa ka tito. Pero anong gagagawin mo sa oras na malaman niya ito?” Tanong ni Steve. Huminga ng malalim si Syncro. Patunay na wala pa itong naiisip na aksyon. Napailing nalang si Steve dahil mukhang wala pa nga.   Natahimik silang dalawa. Mauubos na ulit ni Steve ang isang sigarilyo na kinuha niya. Tumingin siya kay Synro na ngayon ay isinusuot muli ang salakot nito at ang itim na salamin. Hindi niya maiwasang mapatitig dito dahil sa itsura ng tiyo.   “Mauuna na ako. Magandang gabi.” Sambit nito sa kanya at tila ba bumalik sa pagiging ibang tao ang kanina’y kausap nya lang na tito. Hindi na siya sumagot dito. Wala pa siyang balak pumasok. Uubusin nya muna ang natitirang dalawang sigarilyo bago matulog.   SAMANTALANG kanina pa nakakunot ang noo ni Jasmin habang nakatingin sa dalawang lalaki na nag-uusap sa hindi kalayuan. Hindi niya maintindihan kung bakit o ano ang pinag-uusapan nila. Nanatili lang siya sa pwesto hanggang sa umalis na ang ama. Naiwan duon si Steve na kasalukuyan naninigarilyo. Inantay nya munang umalis ang ama bago lumapit kay Steve.   “Yow.” Wika ni Jasmin. Napalingon sa kanya si Steve.   “Hi.” Sagot ni Steve sa kanya. Tahimik na lumapit si Jasmin sa binata at tumabi sa kanya. Malayo ang tingin ni Steve kaya naman hindi maiwasan ni Jasmin ang mag-isip ng paraan para makausap ito o magsalita manlang.   “Ano pala pinag-usapan nyo ni Daddy?” Napalingon si Steve sa kanya at napatitig. Napakunot naman ng noo si Jasmin dahil hindi niya maintindihan kung bakit nakatitig sa kanya ang lalaking ito. Para bang may ibig sabihin ang mga titig na iyon.   “What?” tanong niya. Natauhan naman si Steve at umiwas ng tingin sa dalaga. Huminga ng malalim si Jasmin dahil duon. Hindi niya alam kung paano magsisimula.   “S-Salamat.” Wika niya. Muling lumingon sa kanya si Steve. Hindi niya maiwasang mahiya dahil sa nakakalusaw na tingin ni Steve. Hindi nya rin maintindihan kung bakit iba ang pakikitungo ng puso niya sa binatang ito. Sa loob ng ilang araw nilang magkasama, hindi niya maintindihan kung bakit nag-iiba na tingin niya sa binata.   “For what?” tanong ni Steve. Napakagat ng labi si Jasmin.   “Kase hindi mo sinabi kina Daddy yung totoo.” sagot ni Jasmin. Tumango-tango si Steve. Wala rin naman siyang balak na sabihin sa mga ito ang totoo. Sa tingin niya ay may malalim na dahilan ang dalaga kung bakit ayaw nito ipasabi ang totoo sa ilang araw nilang pagkawala. Nirerespeto niya ang desisyon ni Jasmin.   “Don’t worry. Your secret is safe.” Sambit ni Steve. Napangiti si Jasmin dahil sa sinabing ito ni Steve.   Muling natahimik sa pagitan nila. Kanya-kanya silang may malalim na iniisip. Lumipas lang ang mga minuto at segundo na walang umimik sa kanila. Kahit gustong magsalita ni Jasmin, nahihiya parin siya kay Steve. Hindi nya alam kung paano magsimula.   Maya-maya ay nasira ang katahimikan ng tumunog ang telepono ni Steve. Sabay silang nagkatinginan dahil sa pagkabigla. Sinensyasan siya ni Jasmin na sagutin nito ang tawag. Ngumiti sa kanya si Steve at sinagot ito. Naglakad siya palayo kay Jasmin upang hindi nito marinig ang kanilang pinag-uusapan.   “Yes?” Bungad niya.   “Sir, natunton na po namin ang bagong hideout ng organisasyon. Ito po ay ayon sa ating intel." Natigilan si Steve at lumingon kay Jasmin na nakatingin sa kanya. Ngumiti si Jasmin sa kanya. Matipid na ngiti ang ibinigay niya at muling tumingin sa malayo.   “Good. I’ll be there in just an hour.” Sambit niya at ibinaba ang tawag. Pagkatapos nun ay naglakad siya papalapit kay Jasmin.   “I have to go. May lang akong kailangang ayusin. Pakisabi nalang.” Sabi niya kay Jasmin. Tumango ang dalaga bilang tugon dito. Matapos nun ay nilagpasan na siya ni Steve at nagmadaling naglakad. Naiwan si Jasmin na punong-puno ng katanungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD