CHAPTER FORTY-NINE

2527 Words

Kasalukuyan kaming nasa loob ng opisina ni Syncro. Naiwan sa sala ang mga nakabusiness suit na kanina niyang kausap. Nagkatinginan kami ni Jasmin ng marinig naming tumikhim si Fernando. "Alam na namin kung nasaan ang hideout nila Clark." Wika ni Jasmin. Gulat na napatingin sa kanya si Fernando, pagkatapos ay sa akin. Napaiwas ako ng tingin. "Teka, paano mo nalaman?" Tanong ni Fernando. Hindi agad nakasagot ni Jasmin. Dahil duon ay napatingin ako sa kanya. Tila nag-aalangan siyang sabihin kung paano niya nalaman. Lahat kami ay naghihintay ng sagot. Maya-maya ay narinig kong huminga siya ng malalim at saka nagsalita. "Kay Steve po." Mahina niyang sagot. Nakita kong humarap si Syncro sa amin at tumingin kay Jasmin. "So, hindi ikaw ang nakahanap ng hideout nila?" Malamig na tugon ni Syncro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD