“Marami pa sa barko. Halughugin ninyo.” Wika ni Syncro. Ksalukuyan nilang iinaaba sa barko ang mga kahon-kahon ng hinihinalang ‘antidote’ para sa gamot na ginawa ng The Coetus. “Wow! You manufactured it all?” tanong ni Sir Ford sa ‘pinuno’ ng barko. Malaking tao ito at may balbas. May sigarilyo din ito sa bibig at mukhang isang pirata. “That’s not mine. I just purchased it so I can sell it out of the country.” Wika ng pirata. Hindi makapaniwala si Zerrie habang pinapanood ang mga nangyayare. Hindi niya lubos maisip na makakakita siya ng pirata sa modernong panahon. Para bang hindi kapani-paniwala. Akala niya ay sa mga palaas lang nangyayare ang mga ganito. “Hoo? Then tell me. Where did you buy it?” Tanong ni Sir Ford. Umiwas ng tingin ang pirata habang patuloy naman na ibinabab

