“Anong gagawin mo?” Tanong ni Fernando kay Zerrie. Papunta na ang dalaga sa kanyang kotse. Balak niyang sumunod sa grupo kung saan pupunta ito sa syudad upang humanap ng mga taong buhay pa. Walang ibinigay sa kanya si Syncro na gagawin kaya naman ito ang naisip niyang gawin. “Susunod sa una hanay.” Maikling sagot ni Zerrie. “Huwag mo ng gawin iyan. Kaya na nila ang kanilang trabaho. Mas mabuti kung kay Syncro kana sumama.” Wika ni Fernando. Napakunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan kung bakit tila may ibig pa siyang sabihin duon. Hindi naman masyadong tumingin sa kanya si Fernando. “Bakit ikaw? Saan ka?” Tanong ni Zerrie. Umayos ng pagkakatayo si Fernando at hinarap si Zerrie. “Pamumunuan ko ang hukbo ni Steve. Kaming mga susugod sa palasyo.” Wika ni Fernando. Hi

