Zerrie’s POV Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng makitang nakatitig sa akin si Lexin. Ginapangan ako ng kakaibang kaba at takot. Hindi ko kayang labanan si Lexin. Hindi ko siya kayang makitang ganito lalo na’t nasa ilalim siya ng drugs ng The Coetus. Isa pa, ang ikinatatakot ko ay walang gamot na makakapag-alis ng bisa nito. Ayokong mapatay siya gaya ng ginawa ko sa ilang mga tao na napasakan din nito. Ang hirap. Naiipit ako sa sitawasyong ito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano pipigilan si Lexin. Hindi ko nga alam kung iiyak pa ako o ewan. “L-Lexin…” Bulalas ko sa pangalan ko. Walang emosyon siyang nakatingin sa akin. Pagkatapos ay inihanda niya ang sarili niya upang labanan ako. Mas lalo akong umatras. Hindi ko siya lalabanan o papatulan. “Lexi

