CHAPTER FORTY-TWO

2435 Words
KASALUKUYANG nasa golf course si Zerrie habang hawak ang isang baril. May iilang mga tauhan sina Syncro na nanonood sa kanya. Lahat ay nakatingin kay Zerrie na tila ba inoobserbahan ang mga kilos o galaw nito habang inaasinta niya ang isang bote sa di kalayuan.   Kahit tirik ang araw ay pinilit parin ni Zerrie mag-ensayo. Magaling siya sa self-defense ngunit pagdating sa mga ganitong bagay ay hindi pa siya ganoong magaling. Kailangan niyang maging mas mahusay dito para hindi makakita ng kahinaan ang kalaban. Gusto niyang matutunan ito kahit pa nung bata siya ay itinuturo na ito ng ama niya.   She pressed the trigger of the gun. Afterwards, a sound was created from this. Sabay-sabay na lumingon ang mga tauhan ni Syncro sa bote sa hindi kalayuan. Kasabay non ang pagtumba nito. Kitang-kita ang paghanga sa mukha ng mga ito sabay tingin muli kay Zerrie. Gumuhit ang ngiti mula sa labi ng dalaga ng makita niya ang pagkamangha sa mukha ng mga ito.   Muli niyang kinasa ang baril at itinutok muli ito sa isa pang bote na malakit sa posisyon ng bote kanina. Walang alinlanan niyang pinaputok ito. Natumba ang boteng iyon. Hindi maalis sa labi niya ang ngiti. Parami na rin ng parami ang mga nanunuod sa kanya. Maski ang ibang maids. Dahil duon, napansin iyon ni Jasmin.   Kasalukuyan siyang nasa kusina. Kalalabas nya lang rito ng mapansin ang mga maid na tila ba may pinag-uusapan. Dahil sa kuryosidad, sinundan niya ang mga ito. Narating nila ang golf course at marinig ang mga putok ng baril. Naglakad siya papalapit dito at bumungad sa kanya si Zerrie.   She smirks when she sees the smile on her face. Jasmin didn’t want to put any other meaning in that smile. Ngunit hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ang mga paghanga sa mata ng mga tauhan nila para kay Zerrie. Kahit kailan ay hindi niya nakita ito sa kanya. Never siyang tiningnan ng mga ito sa ganong paraan.   Tahimik siyang nanuod kay Zerrie habang binabaril ng dalaga ang mga bote sa hindi kalayuan. Walang palya ang mga ito at asintadong-asintado. May parte sa puso niya na hindi niya maiwasang bumilib dito. Agad niyang naalala ang sinabi nito nung isang gabi. Sa isip-isip niya ay baka tama nga si Llana. Kaya siguro hindi niya magawa ang mga misyon na ibinibigay sa kanya ni Syncro ay dahil may pag-aalinlangan sa puso niya.   Totoo naman iyon. Kahit anong gawin niya, kahit ipakita niyang matatag at matapang siya, nag-aalinlangan parin ang puso niya na gawin ang mga bagay na iyon. Siguro nga ay hindi niya talaga mapapantayan o mahihigitan si Llana. After all, she is a murderer. She has nothing to fear.   Muli niyang pinagmasdan si Llana bago siya tumalikod dito. Kailangan na niyang matapos ang misyon niya. Iyon ay mahanap kung nasaan sina Riabelle. Kailangan niyang may maipamukha sa ama. Kailangan niyang patunayan dito na kaya niyang gawin ang isang misyon. Ngunit nag-aalangan parin siya. Paulit-ulit tumatakbo sa utak niya ang mga sinabi ni Clark. Ang isang trabaho na patayin si Sync, si Llana.   Samantala, halos napatumba na ni Zerrie ang lahat ng bote. Pagtalikod niya sa mga ito, isang pamilyar na tao ang nakita niyang naglalakad palayo sa kanila. Huminga siya ng malalim dahil hindi niya alam kung ano ba ang dapat isipin o maramdaman habang pinagmamasdan si Jasmin. Malamang na patong-patong na ang galit nito sa kanya.   “Napakagaling nyo po, Miss Llana.” Napalingon siya sa isang maid.   “Llana?” Tanong niya. Nagkatinginan sila at tila nag-aalangan na magsalita.   “Kayo po diba yung isinama ni Miss Alex dito dati?” Singit ng isa pang maid. Tumango-tango siya sa mga ito at naalala ang gabing dinala nga siya ni Jasmin dito. Second name niya ang tinatawag sa kanya ni Jasmin.   “Napakagaling nyo po.” Wika ng isa sa mga tauhan nila. Ngumiti siya sa nagsalita at inayos ang mga gamit na nasa lamesa.   “Maaari nyo po ba kaming turuan?”   “Oo nga, para mapaghandaan natin ang susunod na gyera sa kabilang organisasyon.”   “Ayos lang po ba?” Napatigil siya sa ginagawa ng makitang nag-aabang ng sagot ang mga ito. Wala na siyang nagawa kung hindi ang tumango. Sa ganitong paraan, makakapag-ensayo rin siya. Nakita niya ang excitements sa mata ng mga tauhan nila Syncro kaya naman ay tahimik na siyang umalis don. Mukhang hindi naman siya napansin dahil busy sila sa pagkukwentuhan.   Pagpasok ng mansyon ay tahimik niyang binagtas ang daan patungo sa kanyang kwarto ng makita si Syncro. Nakatayo ito sa bintana at mukhang kanina pa nanonood sa kanya. Huminto siya sa tapat nito. Hindi manlang siya nilingon ni Syncro kaya iniisip niya na baka hindi siya nito napansin.   “How’s my work? Bumilib ka rin ba?” Panimula ni Zerrie.   “Nakakatuwa na mabilis mong nakuha ang loob ng mga tauhan ko.” wika ni Syncro ng hindi manlang tumitingin sa kanya. Napalingon din siya sa bintana at nakitang nanduon pa nga ang mga tauhan niya na busy sa pagku-kwentuhan.   “Is that bad?” Tanong niya. Umiling si Syncro at humarap sa kanya. As usual, suot nanaman ni Syncro ang kanyang salakot at itim na salamin.   “Hindi naman.” Maikling tugon nito. Tumango-tango si Zerrie at muling ipinagpatuloy ang paglalakad. Hindi na siya muling lumingon dito ngunit ramdam niya ang tingin nito mula sa kanyang likuran.   Naiwang nakamasid lang si Syncro kay Zerrie hanggang sa mawala ng tuluyan sa kanyang paningin ang dalaga. Muling nanumbalik sa kanyang isip ang pagtatagpo nila ni Steve. Ngayon ay alam na nito kung sino siya. Nag-iisip parin siya ng paraan paano ito masasabi sa anak.   “Magaling ang anak mo, Syncro.” Naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Fernando. Hindi niya ito nilingon ngunit ramdam niya ang paglapit nito sa kanya.   “Marami pa siyang dapat matutunan.” Sagot niya. Tumango-tango si Fernando at ininom ang isang baso ng alak na dala-dala niya.   “How about Jasmin?” Natigil si Syncro ng marinig ang pangalan ni asmin. Sa pagkakaaong iyon ay humarap siya sa kaibigan. Hindi nya pa napag-iisipan ang gagawing hakbang para kay Jasmin. Hindi niya alam kung paano sabihin sa kanya ang totoo.   Huminga ng malalim si Syncro dahil sa nangyayare sa kanya. Hiindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Iniiwasan niyang makasakit ng damdamin lalo na kay Jasmin. Hindi niya gustong masaktan ito lalo na’t dumating na ngayon si Zerrie. Alam naman niya na may galit si Jasmin kay Sync.   “Saka ko na iisipin iyan Fernando. Sa ngayon ay kailangan muna natin tapusin ang mga nasimulan.” Sambit niya. Napailing nalang si Fernando dahil dito. Ramdam niya na nahihirapan ngayon si Syncro.   Tinungga ni Fernando ang basong may lamang alak bago magsimulang maglakad. Tinapik niya ang balikat ni Syncro. Ang mga ganitong bagay ay simple nalang para kay Syncro. Naniniwala siyang malalagpasan din ito ni Syncro. Sa ngayon, tama siya. Unahin muna nila ang mga nasimulan. Walang pwesto ang kalungkutan sa ganitong sitwasyon.   Zerrie’s POV   Katatapos ko lang maligo ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Wala naman akong inaasahang tawag ngayon. Sino naman kaya ang tatawag? Baka naman si kuya? Pero paniguradong busy iyon sa trabaho niya.   Naglakad ako patungo sa kama kung saan nakapatong ang cellphone ko. Isang text mula sa isang tao ang hindi ko inaasahan. Hindi ko maiwasang mapangiti habang binubuksan iyon. Galing ito kay Lexin. Ano kayang problema nito?   “Busy ka ba?” Basa ko sa text niya. Agad akong nagreply ng hindi. Wala naman kase talaga akong ginagawa. Puro pagsasanay lang ang ginagawa ko. Napag-isipan ko na rin na habang wala pa kaming hakbang ay magsanay muna ako ng sa gayon ay ntututo ako.   Mabilis na tumunog muli ang cellphone ko. Binuksan ko ang text message niya.   “May impormasyon akong ibibigay sa iyon ukol sa hinihingi mo.” Basa ko muli. Napataas ang kilay ko. Akala ko ba ay hindi pwede sa mga pulis ang magbigay ng impormasyon basta-basta? Anong problema nito?   Mabilis kong pinindot ang ‘call’ upang sa telepono kami magka-usap. Wala pang ilang segundo ay mabilis niyang sinagot.   “Hello.”   “Anong impormasyon?” Bungad ko sa kanya. Saglit siyng natahimik bago magsalita.   “Pwede ba tayong magkita? Dito ko na lang sasabihin sayo ng personal.” Napakagat ako ng labi. Wala namang masama kung magkita kami. Tama, wala rin naman akong ginagawa dito.   “Saan ba?” Tanong ko. Mabilis niyang binigay ang kanyang location. Nanduon na pala siya. Mabils akong nagbihis at umalis. Nasa akin parin ang susi ni ng kotse na binigay ni Syncro. Hindi ko alam kung paano nakauwi dito ang kotseng iyon pero ayos na rin.   Ilang minuto ay nakarating na rin ako sa lugar na sinabi ni Lexin. Walang gaanong tao sa loob ng kainan na ito. Dahil duon, mabilis o siyang nakita.   “Lexin!” Tawag ko sa kanya. Napalingon siya sakin at saka ngumiti.   “Ang bilis mo naman.” Bungad niya. Napatawa ako dahil sa sinabi niya. Malamang na mabilis dahil hindi traffic. Mga takot lumabas ng bahay ang mga tao kaya naman walang gaganong sasakyan ang nasa kalsada.   “Anong impormasyon pala iyon?” Tanong ko. Nakita kong may dala siyang laptop.   “Kumain kana ba? Kumain muna tayo.” Sambit niya at umupo. Ganon din ang ginawa ko. Matapos niyang tumawag ng waiter ay nagkwentuhan lang kami ng tugkol sa mga bagay-bagay. Ngunit isang bagay lang ang napapansin ko sa kanya, mukhang hindi siya makapagconcentrate. Minsan ay nakikita ko siyang tumitingin-tingin sa paligid.   “Ayos ka lang?” Tanong ko. Medyo nagulat pa siya dahil sa pagbabago ko ng topic.   “Oo naman. Bakit mo natanong?”   “Kanina ka pa kase aligaga.” Maikli kong tugon. Natahimik siya. Mukhang tama ang hula ko. Ngunit bakit naman?   Nang dumating ang pagkain ay tahimik kaming kumain. Wala rin akong ganang magsalita lalo na’t may kakaiba kay Lexin ngayon. Maraming beses ko na siyang nahuhuling tumitingin sa paligid at tila may hinahanap.   Natapos na rin kaming kumain. Saglit kaming natahimik hanggang sa nakita kong umayos siya ng pagkakaupo. Tumingin siya ng seryoso sakin. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa mga kilos niya. Ano bang nangyayare?   “Lex---”   “Hindi ko alam kung anong dahilan mo at gusto mong malaman ang tungkol sa mga missing person o sa kasong ito ngunit sa tingin ko ay mukhang importante ito sa iyo.” Panimula niya. Natigilan ako at hindi nakasagot. Nakita kong iniharap niya sakin ang kanyang laptop bago magwika.   “Nariyan ang mga impormasyon na makatutulong sa iyo. Alam kong mali ito ngunit kung matutulungan mo ako ay ayos na.” Sambit niya. Napakunot ako ng noo. Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba parang kinakabahan ako?   “Lexin, is there something wrong?” Tanong ko. Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sakin na para bang may sinasabi sa kanyang isip.   “Kung may problema ka, you have to tell me.” Mahinahon kong sabi. Huminga siya ng malalim at napapikit ng mariin.   “Lately, napapansin kong may sumusunod sakin.” Sabi niya. Natigilan ako. Sumusunod? Hindi kaya mga tauhan ni Syncro iyon? If I remember, sinabihan ko siya na bantayan si Lexin.   “About that---”   “Nagsimula ito nung nabaril ka. Napapansin ko na may sumusunod sakin o pakiramdam ko lang. Basta ewan!” Wika niya. Natahimik ako. Simula nung nabaril ako? Teka, hindi kaya…   “Naalala mo nung kumain tayo nung nakaraan? Hindi ko ito sinabi sa iyon ngunit alam kong kasama mo sa CR yung babaeng dumalaw sayo dati sa ospital.” Bigla akong nakaramdam ng kaba. Si Riabelle. Anong ibig sabihin nito? Gumapang sa buo kong katawan ang kakaibang kaba. Nilalamig ako na hindi ko maipaliwanag.   “Recently, maraming beses ko na siyang nakikita. Sinabi niya na kaibigan mo daw siya.” Halos mahulog ako sa kinauupuan ko. Anong pinaplano ni Riabelle? Anong ginagawa niya?   Para bang nakaramdam ako ng panghihina. Kinakabahan ako at natatakot. Natatakot ako na baka ginagawa ito ni Riabelle upang ipaalam sa kanya kung sino ko. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang malaman ni Lexin ang totoo. Natatakot ako.   “Y-Yun lang?” halata sa boses ko ang kaba at takot ngunit nakahinga ako ng maluwag ng tumango siya.   “Hindi ka niya kinausap? Nakausap?” Tanong kong muli. Tumango muli siya. Napakagat ako ng labi. Mukhang nalalamangan na ako ni Riabelle. Bakit ba hindi ko naisip na maaaring gamitin niya si Lexin laban sakin? I have to move. Kailangan kong manguna sa kanya bago pa dumating ang araw na iyon.   “O-Okay.” wika ko at tumingin sa laptop. Hindi na sumagot si Lexin. Nakatitig lang siya sakin na tila malalim ang iniisip. Hindi ko na ito pinansin at binasa ang mga nakasulat sa laptop niya.   Ilang saglit ay natapos ko ng basahin ang lahat ng nakasulat dito. Tama nga sila Syncro, karamihan ng biktima ay mga sangkot sa illegal nagamot. Maaaring magkaroon ng kaugnayan ito kina Riabelle. Pero bakit naman nila kinukuha ang mga ito? Anong pakay nila?   Napasapo ako sa noo ko. Alam kong malapit na ako sa katotohanan ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko madali ang tamang sagot. Alam kong malapit na, isang bagay nalang ang kailangan ko ngunit hindi ko madali.   “Ayos ka lang?” Pag-aalalang tanong ni Lexin. Napatingin ako sa kanya saka tumango. Nakita kong nakahinga siya ng maluwag. Hindi ko namalayan na kanina pa pala siya nakatitig sakin.   “Nga pala, walang nakasaad dito about sa pinanggalingan ng mga drugs na nakukuha nila.” Sambit ko. Napakunot ng noo si Lexin.   “Pati ba iyon, kailangan mo ring malaman? Maraming sources ang mga iyan. Hindi naman sila magkakakilala at iba’t ibang tao iyan.” Wika niya. Tama siya. Pero ibang drugs ang tinutukoy ko. Malamang na ang mga ito ay nakatanggap ng drugs na gawa ng The Coetus.   Napailing nalang ako ng maalala na madali lang i-fabricate ang mga reports lalo na at may kapit ang The Coetus sa gobyerno. Kayang-kaya nilang takpan ng kasinungalingan ang mga ito. Mukhang mahihirapan akong patunayan na sila ang nasa likod ng malawakang pagkawala ng ilang mga tao.   “Bukod sa drugs, may pagkakapareho pa silang lahat…” Sambit ko sabay pakita sa isang lugar na nakasaad sa mga nakasulat. “…galing ang mga iyan dito sa lugar na ito.” Sambit ko. Mukhang hindi nagulat si Lexin at tahimik na nakatingin sa laptop. Kasabay non ang dahan-dahan niyang pagtingin sakin. Medyo naguluhan ako dahil duon.   “Bakit ba sobrang interesado mo dyan, Zerrie?” Napakagat ako ng labi ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.   “Nevermind. Imposible din naman.” Sambit niya at isinara ang laptop. Naiwan akong puno ng tanong sa utak ko. Anong ibig sabihin ni Lexin duon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD