AGAD IBINABA ni Steve ang telepono pagkatapos nilang mag-usap ng isa sa mga tauhan niya. Napag-alaman nilang ilang Chinese ambassador ang nagpunta dito sa bansa. Mukhang interesado ang mga ito sa gamot na ginawa ng The Coetus. May ilan pang pupunta dito sa bansa upang makipag-usap ukol sa drugs na iyon. Kapag patuloy na nangyare iyon ay paniguradong kakalat na ito sa buong mundo. Iyon ang iniiwasan nila. Agad niyang hinithit ang sigarilyo na malapit ng maubos. Nagiging bisyo na niya ito lalo na't kapag marami siyang iniisip. Ito ang nagiging pampakalma niya sa tuwing marami siyang pinoproblema. Inilagay niya sa bulsa ang kanyang isang kamay. Duon ay natigilan siya ng maramdaman ang isang tila maliit na bote. Agad niya itong inilabas sa kanyang bulsa. Nakita niya ang gamot na ibinigay sa

