Alone with Him

2480 Words
Sienna's Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko dahil nga tinitignan ko muna kung nakalabas na ba siya ng kwarto. "Ginagawa mo?" napatingin ako sa may kwarto niya. Bale nasa gitna kasi ng kwarto namin ang kwarto niya. Napatayo ako ng diretso atsaka ngumiti awkwardly sa kanya. "Wa...wala." Ngumiti naman siya atsaka naglakad patungo sa may dining table. Nakabihis siya, may pasok siguro siya ngayon. "Nakaluto na ako ng breakfast. Kain na rito." pag-aya niya sa akin. "Binilin ka ng kuya mo sa akin." dagdag niya. Naglakad naman ako patungo sa dining table at umupo sa tapat niyang upuan. "May pasok ako ngayon, kaya mag-isa ka lang ngayon dito. Kaya mo naman diba?" tanong niya sa akin. "Pwede po ba ako sumama?" tanong ko sa kanya. Actually hindi ko naman alam kung bakit ko rin iyon tinanong. Sasama ako for what? Baka maisip niya ang weird ko. Sino ba naman kasing estudyante ang gustong sumama sa campus sa araw ng pahinga? "Sigurado ka? May gagawin ka ba sa campus?" tanong niya naman sa akin. "Library, para sa baby thesis." pagsisinungaling ko. "Okay sige, intayin kita. Sabay na tayo." sagot naman niya sa akin atsaka ngumiti. Tumango naman ako atsaka binilisan ang pagkain ko ng breakfast para makapag-ayos na rin ako. "Let's go?" pag-aya ko naman sa kanya pagkalabas ko sa kwarto pagkatapos mag-ayos ng sarili. "Okay, let's go." sagot niya naman sa akin. Malapit lang ang campus namin sa condo kaya nilalakad lang talaga namin. Nakasabay naman namin ang ibang prof sa faculty nila nang papasok na kami sa university. "Estudyante mo?" tanong ng isang prof, although hindi ko kilala kung sinong prof 'yun. "Oo, atsaka kapatid ko." sagot niya naman sakanya. "Kapatid? Wala ka namang kapatid na babae ah?" tanong ulit niya kay Sir Drake. "Kapatid ng kaibigan ko, parang kapatid ko na rin." pag-explain naman niya sa kasamahan niya. Kapatid, 'yan pala ang tingin niya sa akin. Kapatid lang pala. Teka, bakit parang disappointed ako? Dahil ba medyo umaasa ako na more than that talaga ang tingin niya sa akin? Napangisi na lang ako sa naisip ko, nakakatawa naman ako. Nag-expect ako sa isang bagay na alam naman natin na hindi mangyayari talaga. Imagine, kaedaran niya ang kuya ko, malamang hindi talaga ako magugustuhan nito. Bakit kasi hindi nalang kami magkaedad? Sana ako na lang ang ipinanganak una imbes na si kuya. "Mauuna na po ako sa library." pagpapaalam ko naman sa kanila ng kasama niya. "Ah, oo nga pala. Sige, magtext na lang tayo mamaya kung anong oras ka uuwi or kung sabay tayo." bilin niya naman sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya atsaka tumango. Ano ba'ng nangyayari sa akin? Nagsinungaling pa talaga ako na may gagawin ako sa library para lang makasama ko siya. At dahil wala rin naman talaga akong magagawa ay pumunta na lang talaga ako sa library at pumwesto sa pinakasulok para pwede matulog o kaya naman manood ng kdrama. Medyo matagal na rin ako nakatambay sa library, nakatapos na rin ako ng dalawang episode sa drama na pinapanood ko, kaya naman nabored na rin ako at gusto ko na muna maglakad lakad. Habang naglalakad ako sa loob ng campus ay nakita ko naman si Sir Drake na lumabas sa may faculty area niya at may babae na nag-aantay sa kanya sa labas. Hindi ko naman masabi na girlfriend niya kasi mukhang may edad na rin naman pero hindi naman losyang tignan kasi nakaayos at damit na parang bagets. Sinundan ko naman sila ng palihim hanggang sa mapunta sila sa may parking area ng university, sa medyo dulo. Kaya lang hindi ko naman marinig ang pinag-uusapan nila kasi nga malayo sila. Kung lalapit naman ako baka makita pa ako ni sir. Mukhang galit si Sir Drake base sa mga actions at gestures niya. First time ko siya makitang ganito ang itsura, nakakapanibago. Napatago naman ako nang makita ko siyang naglalakad na paalis sa lugar kung saan sila nag-uusap. Naiwan na nakatayo ang babae dun, winalk-outan ata siya ni Sir Drake. Nagvibrate naman ang phone ko kaya napatingin ako kaagad dito at nakitang si Sir Drake ang nagchat sa akin. "Nasaan ka? Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin sa chat. "Naglibot po ako. At hindi pa po ako kumakain." sagot ko naman sa kanya. Napatingin naman ako sa oras sa cellphone ko at mag12 pm na pala. "Nag-order ako ng pagkain mo." sabi niya naman sa akin, "Sabay na tayo kumain sa canteen." pagchat niya ulit sa akin. Pumunta naman ako sa canteen at inilibot ang tingin ko sa loob para mahanap siya. Hindi naman ako nahirapan na makita siya kasi kitang kita kaagad ang kagwapuhan niya. "Akala ko nasa library ka. Pinuntahan kita eh para sana ayain maglunch, kaya lang wala ka dun." panimula niya ng makarating ako sa table kung saan siya nakaupo. "Ah, naglibot po ako kasi nabored ako." sagot ko naman at umupo sa upuan na kaharap niya. "Oh, binilhan na kita ng pagkain. Hindi ko lang alam kung okay sa'yo 'yan. Kung hindi, bibilhan kita ng iba." sabi niya naman sa akin. Umiling naman ako, "Okay na po ito. Salamat." sagot ko naman sa kanya. Nagsimula na rin siya kumain at mabilis lang naman siyang natapos. Mukhang nagmamadali rin naman siya. "Umm, baka may gagawin ka pa po, pwede ka po mauna." sabi ko naman sa kanya kasi baka nahihiya lang siya na umalis kaagad tapos baka busy din. "Hindi, okay lang. Kain ka lang diyan, intayin kita." sagot niya naman sa akin sabay ngiti. Naalala ko na naman tuloy 'yung nakita ko kanina. Hindi ko na naman maiwasan mag-isip kung sino ba 'yung babae na kausap ni Sir Drake kanina. "Kung wala ka ng gagawin, sa faculty ka na lang magstay. Ipinagpaalam ko na sa dean." sabi niya naman sa akin, "Sabay na lang tayo umuwi." Bumilis na naman ang t***k ng puso ko dahil sa tingin niya sa akin. At napatango na lang ako sa sinabi niya sa akin. Pagkatapos ko kumain ay inayos ko na ang gamit ko at sumunod na rin ako kay sir pabalik sa faculty nila. "Oh, dito ka muna umupo habang wala ako." sabi niya naman sabay ayos ng upuan niya. "O..okay po, sir." sagot ko naman sa kanya at ngumiti. "Sa drawer ko, may mga snacks at kape, pwede ka kumuha kapag nagugutom ka." bilin niya sa akin. Kinuha naman niya ang bag niya sa gilid ng table at ang iba pang teaching materials na kailangan niya, "Iwan muna kita ah." pagpapaalam naman niya sa akin. Tumango naman ako atsaka sumandal sa upuan niya pagkaalis niya. Nagcecellphone lang ako nang may pumasok na professor na babae sa loob ng faculty. "Umm? Bago ka?" tanong niya sa akin. "Kapatid ni Sir Drake 'yan." pagpapakilala naman ni Sir Julius sa akin, isa rin sa member ng faculty, "Sienna, si Ms. Rodriguez nga pala faculty member din ng CAS." dagdag naman niya. "Ah, akala ko nagresign na si Drake." sabi niya naman habang inaayos ang kanyang gamit sa table niya, "Pero walang kapatid si Drake diba?" tanong niya naman kay Sir Julius. "Kapatid ng kaibigan niya. Parang kapatid na rin daw niya." pag-eexplain naman ni sir sa kanya, "Pinagpaalam niya kay dean kung pwedeng magstay dito sa faculty, pumayag naman si dean." Tumango naman siya kay sir Julius atsaka tumingin sa akin para ngumiti. Actually, maganda siya at sexy. Tapos kaedaran pa ni Sir Drake, hindi malabong magkagusto siya sa kanya kung magkataon. Ipinahinga ko muna ang ulo ko sa desk at nagpakawala ng mahinang buntong-hininga. Bigla naman nahagip ng mata ko ang picture frame na nasa loob ng drawer ni sir drake. Medyo nakabukas kasi ang drawer niya kaya nasilip ko. Binuksan ko ng tuluyan ang drawer ng table niya at bumungad sa akin ang senior highschool grad pic niya na may kasamang babae. Mukhang magkaklase sila at nagtake sila ng picture na nakatoga silang dalawa. Sa picture nakatingin 'yung babae sa camera at siya naman ay nakatitig sa babae. Kitang kita sa mga mata niya ang pagkainlove niya. Sino kaya itong babae sa picture? Girlfriend niya ba? Ibinalik ko na lang din agad ang frame sa loob ng drawer at isinarado iyon. Bakit kaya niya itinatago 'yung picture na 'yun? *** "Kuya." tumingin naman siya sa akin ng tawagin ko siya at dahan-dahan na pumasok sa loob ng kwarto niya. "Ano? Bakit ka nanggugulo?" tanong niya sa akin. Umupo naman ako sa kama niya habang siya naman ay nakahiga at magpphone. "May itatanong ako sa'yo." pagsisimula ko naman. "Ano 'yun? Bilisan mo." naiinis na tanong naman niya sa akin. "Diba sumama ako noong sabado kay kuya Drake sa university. Tapos nagstay ako sa faculty nila." huminto muna ako kasi iniisip ko kung sasabihin ko ba or hindi, "Nakita ko kasi accidentally 'yung picture sa loob ng drawer niya. From senior high days niya ata 'yun. Sino 'yung girl?" pagpapatuloy ko sa tanong ko kay kuya. Ibinaba naman niya ang phone niya atsaka tumingin sa akin ng kakaiba. Medyo kinabahan naman ako the way niya ako tinignan kasi baka nakahalata na siya kaya niya ako tinignan ng ganun. "Nacurious lang ako. Hindi mo naman kailangan sagutin." pagdepensa ko sa sarili ko. "Ngayon ko lang napatunayan, tsimosa ka talaga." pagpuna niya sa akin, "Ex-girlfriend niya 'yun." "Ex? Ibig sabihin hiwalay na sila? Bakit?" tanong ko naman sa kanya. "Kay Drake ka magtanong, bakit ako ginugulo mo? Ako ba 'yung may ex-girlfriend? Lumabas ka na." pagtaboy niya naman sa akin. Tumayo pa siya sa kama niya para hilahin ako palabas ng kwarto niya. "Oh, ano'ng nangyare? Nag-aaway na naman kayo ng kuya mo?" napatahimik naman ako nang makita kong nasa harap ko na si sir Drake. "Sir." 'yan lang ang lumabas sa bibig ko. Mukhang kakauwi lang niya galing sa university. Ginulo naman niya ang buhok ko atsaka pumasok sa loob ng kwarto niya. At nagwala na naman ang puso ko dahil sa ginawa niyang iyon. *** Nagising ako ng madaling araw dahil nauuhaw ako. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto ko at naglakad papunta sa kusina. Pero napatigil ako ng makita ko sa sala si Sir Drake na nakaupo sa sofa at umiinom ng beer habang nakatingin sa may cellphone niya. Kitang kita sa mukha niya na malungkot siya. "Sir?" pagkuha ko sa atensyon niya. Napatingin naman siya sa akin at pinatay ang cellphone niya. Ano kaya ang tinitignan niya? "Bakit gising ka pa? May pasok pa bukas." tanong niya sa akin. "Kukuha sana ako ng tubig, nauuhaw kasi ako." sagot ko naman sa kanya. "Ah." tipid na sagot niya naman. Narinig ko naman ang pagsinghot niya. Umiiyak ba siya? "Okay ka lang po?" nag-aalangan na tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya ulit sa akin atsaka ngumiti, "Oo, okay lang ako." Hindi ko alam ano ang pumasok sa kokote ko at umupo ako sa tabi niya at nang makita ko siya, dun ko lang naconfirm na umiiyak nga siya. "Hindi ka po okay eh." pagpuna ko naman sa kanya, "May nangyari po bang hindi maganda?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya atsaka kinurot ng bahagya ang ilong ko, "Wala. May naalala lang ako. 'Wag ka mag-alala, okay lang ako." Pumunta naman ako sa kusina atsaka siya ipinagtimpla ng warm chocolate drink. "Uminom ka po muna nito, para gumanda ang mood niyo." sabi ko naman sabay abot sa kanya ng tinimpla kong inumin. "Ikaw na uminom niyan, okay lang ako." natutuwang sambit niya sa akin. "Hindi po, tinimpla ko po ito para sainyo. Inumin niyo po." pagkontra ko naman sa sinabi niya. Kaya wala siyang magawa kung hindi ang tanggapin iyon. "Salamat ah, pero hindi mo naman kailangan mag-alala sa akin. Okay lang ako." pagsisigurado naman niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Hindi ko na rin naman kasi alam ano ang isasagot sa kanya. Hinigop niya naman ang inumin na binigay ko sa kanya. "Masarap ang timpla mo." pagpuri naman niya sa chocolate drink na bigay ko sa kanya, "At nakakagaan nga talaga sa pakiramdam." dagdag niya pa. Napangiti na lang ako ng palihim dahil kahit paano ay napagaan ko ang loob niya kahit pa hindi ko naman talaga alam ang rason kung bakit siya malungkot at hindi makatulog. "Um, noong isang araw po pala, nakita kita." pagsisimula ko naman, hindi ko naman alam kung dapat ko rin ba ito i-open up sa kanya pero nadecide kong gawin na lang din. "Nakita saan?" nagtatakang tanong niya naman sa akin. "Noong sabado na sumama po ako sainyo. Nakita kita na may kausap na babae habang naglilibot." Siguro nga ay ipinanganak akong tsismosa kasi in the end kahit na nagtago ako noon, hindi ko pa rin maiwasan na itanong kung sino ba ang taong iyon. Napabuntong-hininga naman siya at napapikit, "Nakita mo pala 'yun." "Opo. Pero, hindi mo naman po ako need sagutin about dun. Okay lang po." tatayo na sana ako ng bigla siyang magsalita. "Nanay ko 'yun." pagsisimula niya. Hindi naman ako nagreact, inaantay ko lang kung may sasabihin pa ba siya, ayoko naman kasi na macut-off ko siya. "Nanay ko siya, pero gusto ko na rin siguro matigil ang pakikipagkita sa kanya." dagdag niya pa. Napatingin naman ako sa kanya at kita sa mga mata niya ang lungkot sa pagkekwento. "Hindi naman kasi lahat ng nanay may kwenta, 'yung iba nagkakaanak lang talaga pero hindi alam paano maging nanay." Hindi ko alam ang isasagot ko, feeling ko kasi kahit anong magalang na tanong ang lumabas sa bibig ko, magiging sensitive pa rin ang lahat. Usapang pamilya eh, siguradong may sakit talaga na dulot 'yun sa puso kapag napag-usapan. "Kaya ikaw, swerte ka. Swerte ka kasi mayroon kang nanay na maalaga at mahal na mahal kayo ng kuya mo. Hindi lahat kagaya mo na mayroong ganun." sambit niya sabay ngiti sa akin, "Pero okay lang ako, nabuhay nga ako ng ilang taon sa sarili ko. Hindi na siya masakit." Gusto ko pa sana magtanong, pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Hindi ko alam kung paano ko rin kasi masisimulan eh. "Matulog ka na, may pasok pa tayo bukas." sabi niya naman sa akin, "'Okay lang ako." nakangiting pagcoconfirm niya sa akin. Nahalata siguro niya na worried ako base sa mga tingin ko sa kanya kaya niya nasabi na okay lang siya. Tumayo na siya sa sofa habang ako naman ay nanatiling nakaupo lang at nakatingin sa kanya. Ginulo niya ang buhok ko atsaka bahagyang tumawa, "Matulog ka na, bata. Maaga pa tayo bukas." Naglakad na siya pabalik sa kwarto niya, tumayo na rin naman ako at bumalik sa kwarto ko. Humiga na rin ako sa kama ko atsaka nagpakawala ng isang malakas na buntong-hininga. Nacucurious ako, ano kayang ginawa ng mommy ni Sir Drake at mukhang gusto na niya tanggalin sa buhay niya ang mommy niya? Okay lang kaya talaga siya? Parang hindi kasi eh. Hays. Pero sabi naman niya okay siya, so siguro okay naman talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD