Sienna's
"We will make our baby thesis." panimula ni Sir Drake, "Individual since baby thesis lang naman. Hindi rin ito experimental research so that we can save more resources."
"Sir, ano po'ng topic?" tanong ni Logan, isa sa classmate ko.
"About teenage life and problems." sagot naman niya, "Kaya niyo naman siguro 'yan?" tanong niya sa amin.
Sumang-ayon naman kami sa kanya kasi okay naman talaga 'yung topic. So, after ng mga inannounce niya ay pinagbrainstorm niya muna kami. Napatingin naman ako kaagad sa kanya ng bigla siyang magsalita.
"Class, let's see each other next week. Class dismissed." pagpapaalam niya sa amin.
Habang masaya ang iba kong kaklase sa pagtatapos ng araw namin, ako naman ay medyo nalungkot. Bakit ba kasi ang bilis ng oras ng research subject?
"Sino gusto magmilktea?" tanong ni Aila sa amin ni Bea.
"I want." sagot naman ni Bea. Tumingin naman silang dalawa sa akin kasi hindi nga ako sumagot agad.
"Gusto rin." sagot ko naman sakanila.
"Okay, let's go!" masayang sambit ni Aila.
Pagpasok namin sa milktea shop ay nahagip kaagad ng mata ko si Sir Drake at kasama ang kuya ko. Nakita rin nila ako.
"Hoy, bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ni Kuya sa akin, "Naggagala ka pa."
"Ikaw din naman ah gumagala. Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.
"Dinalaw ko si Drake, bakit ba?" tanong niya sa akin.
"Lagi mo ginugulo si Sir Drake. Nakakairita ka." reklamo ko sa kanya, "Kung hindi ka busy, busy siya."
Napatingin naman ako kay Sir Drake ng matawa siya ng bahagya.
"Crush kasi ako ng kuya mo." he commented.
"Hoy, mandiri ka nga sa sinasabi mo." pagkontra naman niya kay sir.
"Sige na, magoorder pa ako." pagpapaalam ko naman sakanila.
Pagkatapos ko umorder ay pumunta na ako sa table namin nila Bea.
"Magkakilala na kayo ni Sir Drake?" tanong ni Bea sa akin.
"Yes, kaibigan siya ng kuya ko." sagot ko naman sa kanya.
"Gwapo pala kuya mo." pagcompliment naman ni Aila kay kuya Shaun.
"Baka kailangan mo na ng salamin, Aila." pagkontra ko sa sinabi niya, "Kuya ko gwapo? Saan banda?" nandidiring tanong ko.
Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko naman sa mukha niya na parang nainlove siya sa kuya kong mukhang tukmol.
"Please lang Aila, mamili ka naman ng lalaki." sabi ko sabay yugyog sa kanya.
"Gwapo naman talaga." pagpipilit niya.
Napatingin ulit ako sa direksyon nila at halos lumuwa ang puso ko sa dibdib ko ng makita kong nakatingin sa pwesto namin si sir Drake.
BAKIT SIYA NAKATINGIN SA PWESTO NAMIN? Tinitignan niya ba ako? Grabe, ayaw paawat ng puso ko sa sobrang bilis ng t***k.
Maya maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng milktea shop at nakita kong lumabas na sila kuya at sir Drake.
Bakit kaya sila nagkita? Sobrang close pala nila ni kuya. Mas matanda kaya si kuya sa kanya?
Pagkatapos naman namin magkwentuhan pa at magbonding ng kaunti nila Aila ay nauna na rin akong umuwi sa kanila.
Pagdating ko sa bahay ay inireready ni kuya ang guest room. Three-bedroom condo unit kasi itong sa amin, tapos meron kaming extra na kwarto, usually sila Mommy ang natutulog dun kapag nandito sila.
"Pupunta ba sila mommy?" tanong ko naman kay kuya dahil nga nilinis niya ang kwarto.
"Hindi." sagot niya habang nagvavacuum.
"Eh bakit nag-aayos ka diyan?" tanong ko naman sa kanya.
"Dito muna sa atin magstay si Drake." sagot niya sa akin.
"Huh?" nagtatakang sagot ko, "Alam nila Mommy?" tanong ko sa kanya.
"Malamang."
"Pumayag sila mommy?" tanong ko naman sa kanya. Una, hindi naman kilala nila mommy si Sir Drake.
"Oo, mukha bang hindi? Atsaka kilala nila mommy si Drake." sagot naman ni kuya sa akin.
"Huh? Paano nakilala nila mommy 'yun?" nagtatakang tanong ko.
"Pumunta na 'yan sa bahay dati kaya lang na kayla Tito Francis ka, nagbakasyon ka kasi nagbonding kayo ni Yurina." sagot naman ni kuya sa akin. So, ibig sabihin si sir Drake ay nakapunta na sa bahay namin? Bakit ba kasi ako pumunta kela Yurina that time? "Teka lang, ang dami mo'ng tanong, bakit hindi mo kaya ako tulungan?" tanong niya sa akin.
"Sabi ko nga tutulungan kita."
Pagkatapos namin mag-ayos ng mga gamit sa loob ng kwarto at maglinis at ligpit ay naupo na ako sa may sofa. Halos mapatalon naman ako sa kaba ng marinig ko ang doorbell namin.
Nandito na siya.
Kaagad ako na pumunta sa may pintuan para pagbuksan siya.
"Pasensya na kayo ah." bungad niya agad pagpasok sa loob ng unit.
"Ano ka ba pre, wala 'yun." sagot naman ni kuya sa kanya.
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti, "Pasensya na. Saglit lang naman ito." sabi niya naman sa akin.
"Ah ehh, okay lang po 'yun." sagot ko naman sa kanya na medyo kinakabahan.
Pero bakit kaya bigla niya naisipan na magstay muna rito sa amin? Ano'ng meron?
"Family problem." nabigla naman ako ng bigla siyang magsalita, "Mukhang gusto mo malaman ang rason kung bakit ako rito muna magstay sainyo eh. Ayun ang sagot, family problem."
Halata sa mukha ko na nacurious ako? Nakakahiya, badtrip!
"Tsismosa talaga." dinig kong sabi ni kuya, at alam kong ako ang pinapatamaan niya. May iba pa ba?
"Paepal." sigaw ko pabalik sa kanya.
Napatingin naman ako kay Sir Drake pati na rin sa mga gamit na dala niya.
"Sir, tulungan na po kita sa mga gamit niyo." sabi ko naman sabay hila ng maleta niya papunta sa kwarto niya.
"Ako na." sinubukan niya agawin pero hindi ko siya hinayaan na gawin iyon kaya wala siyang nagawa kung hindi sundan na lang ako papunta sa kwarto niya.
"Magpahinga ka muna po, tawagin ka namin kapag ayos na po ang dinner." sabi ko naman sa kanya na tinanguan niya.
Pagkasara ko ng pintuan ng kwarto ay tumakbo agad ako sa kusina para tulungan ang kuya na magprepare.
"Okay din pala na may ibang tao na nakatira sa bahay, sumisipag ka." puna naman niya sa akin.
"Pwede ba kuya? Kahit isang beaes lang manahimik ka muna." naiinis na sagot ko sa kanya.
"Ayaw ko nga." kahit kailan talaga, hindi na naging matino kausap.
Nagluto na lang kami ng madaling dish ni kuya, 'yung more on prito. Kaya mukhang breakfast tuloy ang kakainin namin kasi nga hotdog at itlog lang ang niluto namin.
"Bukas, may pasok ka ba?" tanong ni kuya sa akin.
"Wala, wala akong pasok ng sabado." sagot ko sa kanya, "Bakit?" tanong ko naman sa kanya.
"Wala naman, uuwi kasi ako sa Bulacan, kakausapin ko 'yung bagong hire na Pharmacist. Gusto mo sumama?" tanong niya sa akin.
"Hindi na, may gagawin ako bukas. Kapag umuwi ako sigurado akong tatamarin ako mag-aral at gumawa ng mga dapat kong gawin." sagot ko naman sa kanya.
"Okay, bahala ka." sagot niya naman sa akin, "Oo nga pala, tawagin mo na nga si Drake at sabihin mo kakain na."
Utos na naman. Sana siya na lang tumawag, tutal kaibigan naman niya 'yun.
"Sir Drake." tawag ko sa kanya sabay katok sa pinto niya. Pero walang sumagot. Kumatok ulit ako bago ko naman unti-unting binuksan ang pintuan ng kwarto niya.
Pagpasok ko ay nakita kong nakahiga siya sa kama niya at natutulog. Lumapit ako para silipin ang mukha niya habang tulog. Napangiti naman ako ng makita ang payapa niyang mukha.
Medyo yumuko ako para makita ko ang magandang features ng mukha niya. Mahaba pala ang pilik-mata niya at ang labi niya mapula. Habang patuloy kong tinitignan ang mukha niyang napakaperfect ay nagulat ako dahil bigla niyang idinilat ang kanyang mga mata. Nagkatitigan kami at sobrang lapit ng mga mukha namin.
Rinig na rinig ko ang t***k ng puso ko habang nakatitig ako sa kanya. Natauhan naman ako sa nangyari sa amin kaya naman bigla akong lumayo at tumayo ng diretso habang nakatalikod sa kanya.
"So...sorry po, may dumi po kasi sa mukha niyo, tatanggalin ko sana." pagsisinungaling ko naman sa kanya.
"Ah ganun ba?" sagot niya naman sa akin, "Bakit ma nga pala nandito sa kwarto?" tanong niya naman.
"Kakain na raw po." sagot ko naman sa kanya.
"Ah sige, lalabas na rin ako. Thank you." sambit niya naman. Kaya naman tumakbo na ako palabas ng kwarto niya.
Huy!! Nakakahiya naman ang nangyari? Gising naman pala siya bakit hindi naman siya nagsasalita? Nakakainis naman oh!
Umupo na ako sa pwesto ko sa dining table at maya maya pa ay lumabas na rin siya sa kwarto niya at sumalo sa amin ni kuya sa pagkain ng dinner.
Halos hindi ako makatingin sa kanya dahil sa nangyari, sobrang nakakahiya pala ang ginawa ko. Bakit ko ba kasi siya tinitigan? Baliw na ba ako?
"Okay ka lang?" tanong ni kuya sa akin, "Make face ka ng make face." natatawang dagdag niya.
Napatingin naman ako sakanilang dalawa at mas lalo akong nahiya dahil nakita ko ang pagngiti ni Sir Drake ng bahagya.
Baka isipin niya weird akong klase ng babae. Nakakahiya talaga.
Hindi ko na sinagot si kuya, umirap na lang ako sa hangin. Ayoko makipagbangayan sa kanya, nakakasawa rin noh.
Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na nga ako. Nagpaalam na rin si kuya na mauuna na siya magpahinga dahil nga maaga siya aalis bukas, kaya naiwan kami rito ni Sir Drake sa kusina.
"Ako na lang maghugas." sabi naman niya sa akin.
"Ako na po. Kaya ko na po ito, konti lang naman." sagot ko naman sa kanya sabay layo ng hawak kong plato at sponge dahil pilit niya nga iyon kinukuha sa akin para siya na ang magtuloy.
"Hindi naman ako bisita, pwede rin ako maglinis at tumulong." nakangiting sabi niya naman sa akin.
"Next time po." sagot ko naman sa kanya.
Ngumiti naman siya atsaka tumango sa akin. Akala ko nga aalis na siya pero nagulat ako dahil sumandal siya sa pader ng kitchen sa may left side ko at mukhang nakatingin siya sa akin. Naawkward tuloy ako. Marunong naman ako maghugas ng plato pero parang nagkakamali ako sa mga ginagawa ko dahil nakatitig nga siya sa akin ngayon.
"Umm. Uhh, sir, nagpunta ka na pala sa bahay namin before?" pag-oopen up ko ng topic. Para kahit paano mabawasan ang awkwardness na nararamdaman ko.
"Oo, kaya lang wala ka noon eh. Sabi ng kuya mo pumunta ka raw sa bahay ng pinsan niyo." sagot naman niya sa akin, "Siguro 3rd yr college kami that time."
"Ahh, bakit ka po nagpunta sa amin?" tanong ko naman sa kanya pabalik.
"Same reason, family problem." he answered and smiled.
Family problem? Gaano ba kabigat ang problema ng pamilya niya para makitira siya sa amin?
"Actually, naghahanap lang talaga ako ng bagong matutuluyan ko." sabi niya naman kaya napatingin ako sa kanya, "Wala lang talagang bakanteng apartment na malapit sa campus. Pero mayroon na akong nacontact, kaya lang at the end of the month pa aalis ang nakatira. So, iintayin ko na lang 'yun kung sakaling wala pa mag-open na iba." pagkekwento naman niya sa akin.
Gusto ko sana tanungin kung ano ba ang family problem na sinasabi niya? Kaya lang nahihiya naman ako, baka sabihin ang tsismosa ko na talaga.
"Mabigat ba ang problema ng family niyo?" tanong ko naman sa kanya. Nagulat din ako dahil bigla akong nagtanong ng private matter sa kanya. "Ay sorry po, hindi mo naman kailangan sagutin po." paghingi ko ng tawad sa kanya.
Napangiti naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Okay lang." sagot niya, "Mabigat ba? Hmmm, siguro. Pero siguro pilit ko na lang tinatakbuhan kasi nakakapagod na rin." dagdag niya sabay pakawala ng buntong-hininga.
Napatahimik lang din ako, hindi ko na rin kasi alam ang isasagot ko.
"'Wag ka mag-alala hindi naman ako mamamatay. Ayoko na lang din talaga mainvolve sa gulo ng pamilya ko." natatawang sabi niya naman.
"Alam ni kuya?" tanong ko sa kanya.
Tumango naman siya sa akin bilang sagot, "Lahat ata ng tungkol sa akin alam ng kuya mo. Kaya kung may gusto ka malaman sa akin, itanong mo lang sa kuya mo."
Bigla naman akong nahiya sa sinabi niya. Halata ba masyado na interesado akong may malaman sa kanya?
"Ito naman, joke lang." sabi niya naman sa akin atsaka ginulo ulit ang buhok ko, "Pero seryoso, salamat ah kasi pumayag kayo na magstay ako rito pansamantala. Big help."
"Wala po 'yun, sir." sagot ko naman sa kanya.
"Oh, and if magkasama tayo out of campus, just call me kuya. Masyadong formal ang sir." sabi niya sabay smile sa akin, "Kaya lang kahit kuya mo ako in private, mahigpit pa rin ako na prof. That's why you need to strive hard kasi kapag bagsak, bagsak talaga sa akin." dagdag niya pa.
"Opo." sagot ko sa kanya with matching yuko dahil naiilang na talaga ako sa mga titig niya sa akin.
Tumingin naman siya sa relo niya at sa kakatapos na paghuhugas ko ng mga plato.
"Tapos ka na?" tanong niya sa akin na tinanguan ko naman, "Mauna na ako magpahinga sa kwarto ah. Goodnight."
Ngumiti naman ako sa kanya bilang sagot. Pinanood ko naman siya hanggang sa makapasok na siya sa loob ng kwarto. Nang masiguro ko na nakapasok na siya ay tumakbo na ako habang nakangiti papasok sa kwarto ko. Napahawak agad ako sa dibdib ko pagkahigang pagkahiga ko sa kama.
"Crush ko ata siya." pag-amin ko sa sarili ko.
Naalala ko na naman ang tingin niya sa akin kanina at napangiti na naman ako.
Oo, crush ko na nga siya. Hindi ko naman ito mararamdaman kung wala lang para sa akin ang mga ginagawa niyang gesture. Crush ko si Sir Drake, siguro noong una ko palang siyang nakita crush ko na kaagad siya, hindi ko lang maamin sa sarili ko.
Nagbukas naman ako ng sss ko at sinubukan ko siyang isearch sa friend list ng kuya ko. At boom, nakita ko siya agad. Napakagwapo ng profile picture niya.
Nakita ko naman ang add friend sa ilalim ng profile niya, pipindutin ko na sana pero bigla akong napatigil, iadd ko ba siya?
Nabigla naman ako ng biglang magvibrate ang phone ko. Bakit nag-aalarm ito? Namali na naman siguro ako ng pagset ng alarm ko.
Pagkapatay ko ng alarm ay bumalik ulit ako sa pagtingin sa profile niya at halos mamatay naman ako sa kilig ng makita kong friends na kami at nagkaroon ng notif na "Drake Lopez accepted your friend request". Nakakahiya! Naadd ko siya? Ano na lang iisipin niya? Baka isipin niya na crush ko siya.
Bigla namang tumunog ang phone ko kaya napatingin naman ako kaagad para makita sino ang nagchat.
"Tulog na." nanginginig ang mga kamay ko sa kilig ng mabasa kong galing kay Sir Drake ang message.
"Opo." sagot ko sa kanya sa chat.
"Goodnight." sagot niya naman na nireact-an ko na lang.
React lang muna para hindi naman halatang gustong gusto ko siya makausap diba.
Ang mahalaga ngayon, sobrang saya ng puso ko.
Gusto niya rin kaya ako? Siguro nga gusto niya rin ako. Or baka mabait lang talaga siya sa akin? Pero parang wala naman akong ibang nakitang babae sa buhay niya?
Triny ko rin naman siya istalk ngayon sa sss, mukhang wala naman siyang girlfriend. Kasi wala naman masyadong post sa timeline niya.
Sana wala pa siyang girlfriend.