Narating na namin ang condo, nauna nang bumaba ng sasakyan ang binata. Agad naman akong sumunod sa kanya, at tuluyang pumasok sa loob ng kanyang unit. "Sa susunod, magpaalam ka muna sa akin kung may balak kang lumabas!" malamig ngunit mariing sambit nito. "Pasensya na! Nainip lang talaga ako kanina kaya naisipan kong pumasyal saglit sa mall! Hindi ko naman sinasadya na makilala yung lalaking 'yon! Nabangga niya ako kaya siguro nakonsensya lang siya sa nangyari!" paliwanag ko. "Francine, iba ang lugar na 'to sa kinalakihan mo! Hindi ka basta-basta puwedeng magtiwala kung kanino lang!" madiin nitong sagot. Ramdam ko ang galit sa boses niya, halata sa tono ng kanyang pananalita. "Sorry… Hindi na mauulit," mahinang sagot ko habang iniiwas ang tingin. Bigla niyang niluwagan ang suot na it

