bc

The Billionaires Secret Wife

book_age18+
1.5K
FOLLOW
12.5K
READ
revenge
love-triangle
HE
forced
arrogant
bxg
serious
highschool
lies
actor
like
intro-logo
Blurb

In a world of secrets and manipulation, the paths of Francine, an orphan with a haunting past, and Red, a billionaire heir, collide unexpectedly. As they navigate love, betrayal, and revenge, they must confront their own pasts and the web of deceit spun by those around them. Can they rebuild their fractured love or succumb to the schemes that threaten to tear them apart?

chap-preview
Free preview
Running Away
Mabilis at halos walang humpay ako'ng tumatakbo nang nakayapak. Hindi ko na kayang magtagal pa sa ampunan na iyon. Labing-pito pa lamang ako, at ang mundo ko mula’t sapul ay umiikot na lamang sa ampunan. Ngunit hindi maganda ang trato ng lahat sa akin. Wala ring gustong umampon dahil sa hindi ko malamang dahilan. May dalawang lalaking humahabol sa akin, kaya’t binabaybay ko na ang masukal na daanan. Alam kong papalapit na ako sa kalsada. Hanggang sa bumuhos ang napakalakas na ulan. Sa sobrang bilis ng takbo ko, narating ko ang kalsada, ngunit halos mawalan ako ng ulirat nang biglang may humaharurot na sasakyan na muntik nang bumangga sa akin! “One inch.” Ganoon na lamang kalapit ang pagitan ko sa pulang kotse. Mabilis akong napamulat ng mga mata, ang puso ko’y tila hindi humihinto sa napakabilis na pagtibok dahil sa kaba. “Buhay pa ako! B-buhay pa!” halos naiiyak ko'ng sambit. Biglang bumaba mula sa sasakyan ang isang galit na binata na sa tantiya ko’y nasa bente-dos anyos. “Do you want to die? If you like, I will definitely do it for you!” mayabang na sigaw ng binata. Sasagot pa sana ako, ngunit biglang narinig ko ang boses ng dalawang lalaking humahabol sa akin. “Nasaan na ang babaeng iyon? Dun sa kabila! Bilis!” rinig kong sigaw ng isa. Mabilis akong lumapit sa binata, hinawakan ko ang laylayan ng damit nito, saka ako’y naiyak at humagulgol. “Pakiusap! Tulungan mo ako! May gustong pumatay sa akin!” Nanlaki ang mga mata ng binata sa sinabi ko. Nang marinig nito ang mga yabag na papalapit, mabilis niya akong hinila papasok sa kanyang sasakyan. Mabilis siyang sumakay, pinaandar ang kotse, at pinaharurot ito nang mabilis. Nasa malayo na kami nang makita ko sa side mirror ang dalawang lalaking kalalabas lang mula sa masukal na gubat, palinga-linga sa gitna ng kalsada. Buong katawan ko’y nanginginig sa takot. Nang maramdaman kong nakalayo na kami, saka lang ako nakahinga nang maluwag. Bumaling ako sa binata. “S-salamat po! P-pasensya na, nabasa pati ang upuan ng sasakyan mo!” nakayuko kong sabi. “Don’t mind. I will throw it later,” malamig niyang sagot. Napakunot ako ng noo. “Ha? Itatapon? Pero bakit? Pwede namang palinisan, ‘di ba?” “Kung gusto mo, sa’yo na!” tugon niya na walang lingon. “H-huh?” Napatingin ako sa sahig ng sasakyan, punung-puno ito ng putik mula sa mga paa ko. “S-sorry! Lilinisan ko na lang ang sasakyan mo,” nauutal kong sabi. Hindi siya umimik, sinipat lang ako mula sa rearview mirror. Malalim akong napabuntong-hininga, kasabay ng panginginig ng katawan dahil sa lamig ng aircon at pagkabasa sa ulan. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang marating namin ang isang napakalaking bahay. Napaka-moderno nito, kulay itim, pati ang gate na napakalaki rin. Bumusina ang binata, at ilang sandali lang ay bumukas na ang gate. Namangha ako sa nakita ko. Napakaganda ng hardin, at may isa pang maliit na bahay na sementado sa loob ng bakuran. Tumigil ang sasakyan sa malawak na parking lot. Bumaba ang binata at lumapit sa akin. “Ano? Are you going to live inside my car?” nakakunot-noong tanong nito. Nagmadali akong bumaba, at halos magulat ako sa nakahilerang mga katulong. Sa kabilang bahagi naman, may mga lalaking nakaitim. Nangangatog ang tuhod ko habang nakatayo sa tabi ng binata. “Yaya Linda, pakiasikaso si—” biglang tumigil ang binata, saka lumingon sa akin. “F-Francine!” sagot ko, halos nauutal. “Yaya Linda, pakiasikaso si Francine!” tumango ang matanda, at naglakad na papasok ang binata. “Señorita, tara na po sa loob. Basang-basa kayo,” sabi ng matanda. Napatingin ako sa sarili ko, punung-puno ng putik ang buong katawan ko. “S-salamat po!” sagot ko habang nakayuko. Nauna nang naglakad ang matanda, at sinundan ko ito. Hindi ko maiwasang humanga sa napakagandang bahay. Ang sahig ay fully carpeted, at bawat sulok ay air-conditioned. May napakalaking chandelier sa taas ng mataas na ceiling. “Señorita, pumasok na po kayo sa bathroom. Hahatiran ko kayo ng masusuot,” sabi ng matanda. Tumango ako at nginitian siya bago ito umalis. Nang makapasok ako sa bathroom, halos hindi ako makapaniwala. Napakalinis at napakamoderno. Nang matapos mag-shower, tumambad sa akin ang sarili kong repleksyon sa salamin—kitang-kita ko ang mga pasa sa aking katawan. Napaiyak ako, ngunit pilit kong tinapos ang paglilinis ng sarili. Nang lumabas ako, inihatid ako ni Yaya Linda sa study room. Naroon si Red, na nakaupo sa swivel chair. Nang makita niya ako, napamaang siya. Sir! Andito na ho si Señorita!” Sabi nang matanda... Bigla ay lumabas na ito study room naiwan ako at ang lalaking nakatalikod habang humihigop nang kape... Bigla ay bumaling ito saakin. ... Napansin kong natulala siya nang makita ako, suot ang malaking kulay abong sweatshirt na tila hindi bagay sa kaniyang presensya. “Salamat sa tulong mo,” mahina kong sabi, halos bulong lamang. Ibinaba niya ang tasa ng kape sa lamesang salamin at umupo sa kaniyang swivel chair. “Walang anuman. Francine, tama? Ako nga pala si Red Desilva. Siguro naman kilala mo ako?” Aniya, habang bahagyang nag-aalangan. Umiling ako, dahilan para manlaki ang mga mata niya at matigilan sa aking sagot. “Hindi mo ako kilala? Sigurado ka ba?” Tumawa siya, bahagya ngunit may halong pagkamangha. Mataman ko siyang tinitigan. “Hindi,” sagot ko nang diretso. Napakurap siya. “Saan ka ba nanggaling? Bakit hindi mo ako kilala?” Mabilis akong yumuko. “Sa isang ampunan, sa gitna ng kasukalan. Doon ako lumaki, at hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko.” Napatango siya, ngunit nanatili ang seryosong ekspresyon sa kaniyang mukha. “Gano’n ba? Kailan kita ipapahatid pabalik doon?” Bigla akong napatingin sa kaniya, nagulat sa kaniyang tanong. “Huwag! Pakiusap! Ayokong bumalik sa madilim at nakakatakot na lugar na iyon!” Naluluha kong sagot. Napakunot ang noo niya. “At saan mo naman balak manatili? Dito? Sa bahay ko?” may halong pangungutya ang tanong niya. “Pwede mo akong gawing katulong! Magaling ako sa pagluluto, marunong din akong maglaba!” halos magmakaawa kong tugon. Napatitig siya sa akin nang matagal bago nagsalita. “May dalawampu’t apat na katulong na ako, Francine,” malamig niyang tugon. Biglang nanlumo ang aking dibdib. Ano ang gagawin ko kung ipilit niya akong bumalik? Hindi ko kakayanin. Hindi ko na kaya. “Pakiusap! Huwag mo akong ibalik!” bulong ko sa sarili ko, bago mabilis na hinubad ang maluwag kong damit. Nanlaki ang mata niya. “Sandali! Ano ang ginagawa mo? Hey!” sigaw niya, tila hindi makapaniwala. Pero hindi ako tumigil. Pinikit niya ang kaniyang mga mata nang tuluyan kong alisin ang aking pang-itaas, wala nang pag-iisip kung ano pa ang iniisip niya. “Pakiusap, imulat mo ang iyong mga mata,” nanginginig kong sinabi habang tinatakpan ang aking dibdib gamit ang mga kamay ko. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, at nang makita niya ang aking katawan, napatigil siya, napaatras sa kaniyang kinauupuan. “Bakit... napakarami mong pasa? Sino ang gumawa niyan?” nauutal niyang tanong, nanlilisik ang mga mata. Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak. “Kung hindi mo ako tinulungan kanina, baka pinatay na ako ng mga lalaking humahabol sa akin!” sagot ko habang hagulgol. “s**t,” mura niya habang napapikit muli. “Magsuot ka nga ng damit, ngayon din!” utos niya, may halong pagkalito at pagkataranta. Agad ko namang isinuot pabalik ang aking damit, pagkatapos ay muli akong tumingin sa kaniya. “Palalayasin mo ba ako?” tanong ko, nanginginig ang boses. Napamaang siya bago napaupo muli sa swivel chair. “Hindi ako gano’n kalupit. Pero, Francine, hindi ko talaga kailangan ng dagdag na katulong.” Malakas itong bumuntong hininga. Napahawak siya sa sintido, tila pinipilit ayusin ang kaniyang iniisip. “Ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong. “Yeah. Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin ko sa’yo,” sagot niya, at sa unang pagkakataon, napansin ko ang kanyang maamong mukha. “Kahit sa labas ng bahay mo na lang ako matulog. Wala akong problema basta huwag mo lang akong ibalik sa ampunan!” halos magmakaawa kong sabi. Napataas ang kilay niya at biglang tumawa nang bahagya. “Ang tanga mo rin minsan, ano?” bulong niya. Tumayo siya at huminga nang malalim. “Maupo ka muna. Tatawagin ko si Yaya Linda.” Tumalima ako sa kaniyang utos, naghintay habang may pinindot siyang buton sa ilalim ng kaniyang lamesa. Hindi pa lumilipas ang isang minuto, may kumatok na agad sa pintuan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook