"Good morning, hon," nakangiting bati ni William sa asawang si Gianna. Niyakap niya ito mula sa likuran at binigyan niya rin ito ng halik sa kanang pisngi. Agad namang inalis ni Gianna ang mga kamay ni William na nakapulupot sa kanya. Lumayo siya rito na ikinalungkot naman ni William. Nasa kusina sila at binabalak na niyang kumain sana pero nawalan siya bigla ng gana. Hindi na lamang siya kumain ng breakfast. Kinuha niya ang gamit niyang pinatong sa sofa sa sala saka humalik sa pisngi ni Greisha na buhat-buhat ni Manang Neneng. Hinalikan niya rin sa pisngi ang anak na lalaking si Wyler na nakakapit pa ang isang kamay sa laylayan ng damit ni Manang Neneng. "Bye, mga anak! Work na si Mommy, ha? See you later! I love you!" masiglang sabi niya sa mga anak. "Manang, mauna na po ako," paalam

