OBTPD-45

1930 Words

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa bulwagan. Daan pauwi sa bahay namin. Sobrang lalim ng iniisip. Sobrang namimiss ko na siya, hinahanap-hanap ko siya pero paano? Gusto ko siyang makausap para naman malinawan ang isip ko pero paano? Gulong-gulo na ang isip ko. Ito ba ang nais niya una pa lang kaya siya nagpapakita sa panaginip ko? Kaya niya ako nilapitan sa school? Tahimik ang buhay ko nun. Masaya ako sa piling ng mga magulang ko pero ginulo niya. Sinabi niya sa akin na ako ang makakapagligtas sa kanya pero hindi niya sinabi na kasama pati ang supling naming dalawa. Pumatak ang luha ko ng pumikit ako at dinama ang hangin. Napahawak ako sa tiyan ko ng may nararamdaman akong gumagalaw. Napangiti ako. Nararamdaman siguro ng baby ko ang pangungulila ko sa ama niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD