Tumigil ang malakas na hangin. Nawala ang tunog ng malaking bagwis. Hindi nawawala ang takot na nararamdaman ko lalo na nang bumukas ang pintuan. Napapikit ako. May sinasabi ang isip ko na imulat ko ang mga mata ko ngunit may pumipigil din sa utak ko. Narinig ko ang mga yabag. Sa tingin ko ay papalapit sa kinaroroonan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nananatili pa rin ako sa ilalim ng aking kumot. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagsino ko ang naririto sa loob ng kwarto ko. Napabangon ako habang nakaalalay ang isang kamay sa balakang ko. "G-Gabriel?" Bulalas ako. Pilit ko pang inaaninag ang mukha niya mula sa liwanag ng buwan na sumisilip mula sa bintana. Dumako ang mga mata niya sa malaki kong tiyan. "Malapit na…" sambit niya. Nakakunot na ang noo ko. Tumiklop ang itim niy

