Hinawakan niya ako sa braso. Niyakap ng mahigpit. Dumikit ang katawan niya sa malaki kong tiyan. Dumampi ang labi niya sa noo ko. He's saying. "I miss you so much…" Nanigas ang aking katawan. Natulala ako at hindi agad nakagalaw. Hindi ko inaasahan na magagawa pa niyang magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa niya kay Inay. "Daemon…" Umahon ang galit ko ng makahuma ako at maalala ang ginawa niya kay Inay. "L-lumayo ka sakin! H-huwag mo akong hawakan!" Kahit na nanghihina ako ay itinulak ko pa rin siya. Ako na ang kusang lumayo sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakayakap ng mga braso niya sa katawan ko. Bakas ang gulat at pagtataka sa itsura dahil sa ginawa ko. Nakaramdam ako ng takot sa kanya. Pakiramdam ko may gagawin siyang masama sa akin at sa anak kom pakiramdam ko. Ako. Kami na ng

