"Sino ka? Paano ka nakarating sa lugar na ito?" Natigilan ako ng may marinig akong nagsalita sa likuran ko. Natigilan ako sa kinatatayuan ko at sunod sunod na napalunok. "Ang sabi ko sino ka?" Tanong ulit nito. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Kita ko ang pagkamangha sa mga mata niya ng pagmasdan ako pero agad din na napalis iyon ng magawi ang tingin niya sa bilugan kong tiyan. "S-sorry kung pumasok na ako ng walang paalam sa bahay mo. Tumawag ako kanina pero walang sumagot. Akala ko tuloy walang tao. Pasensya ka na rin kung pinakialaman ko ang tubig mo. Nauhaw kasi ako sa mahabang paglalakbay." Alibi ko. Alangan naman sabihin ko na nanggaling ako sa kweba ng mga demonyo. "Ayos lang. Mukha namang hindi ka masamang tao." Nakahinga ako ng maluwag ng ngumiti siya sa akin. Pakiramdam k

