"Tali, aalis muna ako ha. Kailangan kong bumaba ng bayan. Paubos na ang gaas natin sa lampara. Huwag kang mag alala. Babalik din ako bago sumapit ang dilim. I-lock mo ng maayos ang pinto. Huwag ka rin mag papasok ng kahit na sino hmm?" Mahabang bilin sa akin ni Marcus. "Oo. Huwag mo akong alalahanin. Susundin ko ang lahat ng bilin mo." Nakangiting tugon ko. Nagpalit siya ng damit niya. Nakasuot ng kupas na pantalon at lumang kulay itim na sapatos. Isinuot ang salakot sa ulo. Nakasunod lang ako ng tingin sa kanya habang papalabas ng bahay. "Mag iingat ka, Marcus." Paalala ko. Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Salamat. Sisiguraduhin kong may dala akong surpresa para sayo mamaya," sabi pa nito bago tuluyang umalis at naglakad na palayo. Napangiti ako sa sinabi niyang surpresa. Pero ano

