"Ako na ang bahala dito. Dalhin mo muna si Taliyah sa loob ng kwarto," wika ni Marcus. Tumango naman si Daemon. Inalalayan akong makapasok sa kwarto bago pa dumating ang mga taong mukhang may hinahanap. "Daemon?" Tawag ko sa pangalan niya. Napakapit ako ng mahigpit sa braso niya. Ramdam ko naman ang paghigpit lalo ng pagkakayakap niya sa akin. "Hmm? Why? My problema ba?" Nag aalala agad na tanong niya. Umiling ako pero ang totoo ay abot-abot na naman ang kaba ko. "Natatakot ako." Diretsong sabi ko. Dahil iyon ang nararamdaman ko. "Shh… huwag kang matakot. Hindi kita pababayaan. Namin ni Marcus. May tiwala ako sa kanya." Pagpapalakas loob ni Daemon sa akin. Hanggang hindi kami nakakaalis sa lugar na ito ay mananatili at mananatili lang ang takot sa dibdib ko. Lalo na at alam kong nasa l

