Ang inaakala kong pagbagsak namin sa bangin ay siyang pag-angat ng sasakyan namin sa ere. Napatingin ako sa kinaroroonan ni Daemon at kitang kita ko ang pagsasakripisyo niya ng sariling lakas para maligtas pa rin kami ng anak niya. Nakahawak ang kaliwang kamay sa dibdib. Ang kanang kamay ay nakataas at nakatutok sa sasakyan namin. Kinokontrol niya ito paitaas sa ere. Nakaramdam ako ng awa kay Daemon. Napatingin ako sa dibdib niya habang patuloy ang pagdaloy ng dugo mula roon. Naipikit ko ang mga mata ko at inialis ang tingin sa paghihirap at pagsasakripisyo ng mahal ko. Ibinaling ko ang tingin ko kay Marcus ng lumabas ito. Akala ko ay mahuhulog siya pero agad niyang ibinuka ang malapad at kulay pula nitong pakpak. Kakaiba ang pakpak niya. Siya lang ata ang bukod tanging kulay pula. Bin

