Bago mag-umaga ay nakabalik na rin si Daemon sa kanyang tinutulugang silid. Kailangan na nyang magmadali na mahanap iyon dahil ilang araw lang ang kanilang sembreak. Hindi rin naman nya pwedeng itanong sa mga magulang ni Taliyah ang bagay na iyon dahil tiyak na mas lalong itatago ng mga ito ang kasulatan. Saglit syang napaisip at tumitig sa bubong na yero. Pinakiramdaman nya ang paligid at buong bahay. Wala syang masagap na kakaibang bagay dito sa loob. Sigurado syang sa labas iyon nakatago. Kung totoo man ang sinabi ni Tata Temyong sa kanya ay gagawa sya ng paraan upang makapag bungkal ng lupa dito sa harapan ng kinatitirikan ng bahay ng mga ito ng hindi nila nahahalata. Pilit hinanap ng isip nya ang kasulatan. Maaga syang bumaba sa harapan, wala pa syang tulog pero di nya alintana iyon

