"Hey.." bati saken ni Lucy. Nginitian ko sya ng tipid. Nahihiya parin ako sa kanya dahil sa inasal ko noong nakaraang araw. Hindi na tuloy ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya. "Hi.." tipid na bati ko rin sa kanya. Bago ako umupo sa sarili kong upuan. Malapit na ang first subject namin. "Wag mo nang isipin yung nangyari, Okay?" aniya na nahimigan ata ang coldness ko towards her. Tipid na ngiti ulit ang isinagot ko sa kanya. Rinig ko ang pagbuntong hininga nya saka tumango sa akin at umupo sa katabing silya ko. Actually, wala talaga akong gana ngayon sa lahat ng bahay. Kahapon ako bumyahe kasabay si Reggie dahil dinaanan nya ako sa bahay. Maayos akong nagpaalam kina nanay na bakas parin ang lungkot sa mga mata na hindi ko naman maintindihan ang dahilan nila. Iniisip ko pa rin ang mga s

