Umaga na at kailangan ko nang magready papuntang University ngunit heto at nakatulala parin ako sa harap ng mini table ko na may nakapatong na isang baso ng gatas. Iniisip ko kung mag-aalmusal pa ba ako pero naisipan ko rin na wag na. Ininom ko nalang ang isang basong gatas na medyo lumamig na. Hindi ko makalimutan ang panaginip kong iyon, lalo na ang pag angkin nya sa akin sa panaginip ko. Ramdam na ramdam ko parin ang bawat paghaplos nya sa buong katawan ko. Lalo na ang mga halik nya at.. at.. Napabuntong hininga ako at hindi na itinuloy ang nasa isipan. Pakiramdam ko ay nag iinit ang buong pisngi ko. Ano bang kahalayan ang nasa isip kong ito. Panaginip lang iyon at wala namang katotohanan. Ang sabi nga ng iba ang panaginip daw ay kabaliktaran. So, ibig sabihin ba ay hindi iyon mangyaya

