"I'll show you my ranch on the photos." Hinarap ni Paris ang mcbook kay Angela. "I assure you na hindi kayo malulugi kapag kami ang nag-supply sa inyo." Reluctantly ay tinignan niya ang ipinapakita ng binata sa monitor. Bumungad sa kanya ang isang napaka-gandang tanawin. Green sceneries everywhere at salitang ipinapakita ang malayang pagpapastol ng mga baka at baboy sa kaparangan. "Hindi sila naka-kulong?" Manghang tanong niya at bumaling rito. Pinalis ni Paris ang ngiti sa labi sa nakitang pamimilog ng mata ng dalaga. "Animals are like human being Ms Martinez. Nai-stress sila kapag ikinukulong mo. I have a wide range of land so I made use of it." May bakas ng pagmamalaki ang tinig pero hindi naman nagyayabang. "Isa sa ipinagmamalaki ng farm namin ay ang pagkakaron ng stress-free produc

