Pakiramdam niya ay nagpa-panic ang lahat ng cells niya sa katawan. Hans was looking at her so intently. And for some reason hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito. "You do?" Untag nito sa pananahimik niya. "I-I'm already engaged." To you! If you could only remember. "I thought so." Ngumiti si Hans pero hindi iyun umabot sa mga mata nito. Ni hindi nag-abalang baguhin ang pwesto kahit wala na si Scarlet. "Ano ang sinasabi ng fiance mo sa pagpunta mo dito?" "I don't know. Parang wala naman siyang pakialam sa akin eh." She said warily and slightly shrugged. "What made you say so?" Tuluyan itong sumandal sa dingding. Napahagikgik siya at nagkibit-balikat, puno ng pagka-aliw ang matang nakamasid rito. "This place is so nice. Hindi ko alam na mayroong ganitong taguan sa clo

