"Ano na brad! Pumalpak ang mga bata mo...” Maangas na entrada ni Pilo pagpasok nito sa kwarto. Mula sa pagkakahiga sa sofa ay bumangon si Ricardo at pailalim na tinitigan ang dating kasamahan ni Emilio at siyang kumupkop sa kanya sa panahong kinailangan niya ng matutuluyan sa syudad. "Alam na ba ni don ang tungkol dito?" Tanong niya. Ang tinutukoy ay ang pumalpak na pag-kidnap sa isang anak ng mayamang hapong bakasyunista sa bansa. Iyun ang unang ibinigay na trabaho nito para patunayan ang sarili niya rito. Umiling ito at pinanlakihan siya ng mata. Naroon ang warning at ang sa hinuha niya ay pagkasindak. "Kilala ko ang Don, Ricardo. Tigwak ka sa grupo kapag nagkataon. Alam mo naman ang higpit niya pagdating sa mga ganitong bagay. Pero wala kang dapat ipag-alala. Hindi naman niya alam a

