Rumihistro ang pagkagimbal sa mukha ni Hans dahil sa bilis ng mga pangyayari. Pero kung gayun ang reaksyon ng binata ay hindi iyun maihahambing sa nakikitang itsura ni Angela. She was in panic and as if she doesn't know what to do. Aksidenteng dumako ang mata sa kanang braso nito and even mortified at the sight. Unti-unting kumakalat sa kulay kremang suot ng dalaga ang pulang likido. Dugo! Nagpalipat-lipat ang mata doon at sa nag-aalalang mukha ni Angela. "Are you okay H-Hans." Pigil ng dalaga ang sariling paghinga at hindi alam kung saan hahawakan ang kasintahan. Si Hans ay walang salitang nais lumabas sa lalamunan dahil sa pagkasindak. Tinamaan ang kaharap pero mas iniisp pa nito ang kalagayan niya. Napatitig siya rito dahil sa pagkamangha. Si Paris na tuluyang nakalapit ang nagsali

