Kahit anong pilit ni Hans na manatili sa ospital hanggat hindi nalalaman ang lagay ni Angela ay hindi pumayag si Paris. "Let them relax first Hans. Hindi makakatulong ang pagparito mo believe me.” "At tungkol diyan. Ako ba ang pinapatamaan ng lalaking yun? Hindi ko ginusto ang kalagayan ni Angela!" Tumigas ang mukha niya nang maalala ang eksena kanina. Hindi lang siya nakapag-react dahil sa gulat. Bukod pa sa hindi naman talaga niya alam kung anong isasagot sa mga ito. "They are Angela's parents. Halika sa labas na tayo mag-usap. Kaya mo bang maglakad mag-isa?” "Hell if I can't Paris. Nakita mo naman kanina na kaya ko hindi ba!” Wala sa mood na sagot. "Believe me hindi mo gustong ibunton sa akin ang galit mo." Paris gave his younger brother a warning look. Natitiyak na moody ito dah

